Chapter 48: Necro the Ghoul Tamer

1.9K 107 7
                                    

♦Swamp of Ghouls
[3:00 PM]

Pagkaspawn na pagkaspawn ko sa loob ng game, kakaibang enerhiya agad ang aking naramdaman. Iginala ko ang aking mata, nandito ako sa isang madilim na gubat. Basa ang mga patay na puno. At mayroong mga putik sa paligid.

"Mukhang ito ang lugar ng pangatlong witch." wika ko sa aking sarili.

Nasa katauhan ako ngayon ni Necro, ang pangatlobg witch. Ayon sa data niya na nabasa ko kanina, may kakayahan itong bumuhay ng mga patay na kaluluwa at kontrolin ito.

Ang masama, nasa katawan ako ng babae! Oo babae! Nakakaiyamot! Lakas ding mangtrip ni Gazz eh!

Nakasuot ako ng mahabang itim na kapa. Nakabestida din akong itim na putol ang manggas hanggang balikat. May slit ito sa parehong gilid kaya litaw na litaw ang maputi kong bewang. Sa aking kamay ay mayroong nakapulupot na ugat ng kahoy. At ang mas nakakailang, mabigat ang dibdib! Hindi naman medyo malaki pero nakadaragdag pa rin sa bigat.

Langyang mga GM yan. Napagtripan pa ata ako! Hindi ko agad naisip na Witch Sisters nga pala ang server quest. Ibig sabihin, puro babae! Hayy! Dapat pala dungeon boss na lamang ang nirequest kong kontrolin.

Nagsimula akong maglakad patungo sa mga puno, ngayon ko lamang napansin na nakatapak pala ako. Wala akong suot na kahit anong panyapak. Kaya ramdam na ramdam ko ang mga putik.

"Ano kayang gagawin ko? Magaantay ng players?" tanong ko sa aking sarili. Kahit ang aking boses ay nagbago din. Pambabae ito at sobrang lambing! Pero nakakakilabot! Langya!

Napagpasyahan kong lumabas na lamang ng Swamp of Ghouls. Tutal nabigyan na naman ako ng task ni GM Pleas kanina. Walang iba kundi ang sugudin ang sunod na village. Ang Selva Citree.

♦Selva Citree
-the central city of Evergreen Continent.
[6:00 PM]

Matapos ang ilang oras na paglalakad, narating ko na ang Selva Citree. Mga nga gusali ay gawa sa matataas na puno. Ang mga ilaw naman ay nagmumula sa mga lantern na nakasabit dito.

"I-isang w-witch!!!" sigaw ng isang player na nakakita sa akin.

Agad kong ikinumpas ang aking kanang kamay patungo sa kanya. Dahil doon, naudlot siya sa pagbunot ng kanyang espada. Unti-unting kong kinuyom ang aking kamay hanggang sa sumabog ang kanyang katawan.

Napangisi na lamang ako nang makuha ko ang atensyon ng mga players sa paligid. Isa-isa silang sumugod pero madali itong nauudlot. Salamat na lamang sa mga ilaw sa paligid, tuwing tinatapakan ko ang kanilang mga anino, ay tumitilapon sila ng ilang metro.

Hahaha. Isa na akong kontrabida! Potaa!

"SUGOD!"

"TANAMONG WITCH KA!!!"

Nagsikalatan ang mga players sa bawat paligid. Ang iba nakatayo sa nga sanga, at ang iba naman ay nagchacharge ng kanilang mga sandata.

"Mukhang magiging masaya to..." wika ko sa kanila sabay ngisi ng nakakaloko.

Hahaha! Langya!

"Isang AI yan! Unpredictable ang kilos niya!"

Napalingon ako sa nagsalita, nakatayo siya sa isang sanga habang nasa ibaba naman siya ang isang grupo ng mga lalake.

Eh?! What the?! Potaa! Si Levi ang nakatayo sa sanga! Samantalang ang nasa ibaba naman ay sina Vodka, Cider at iba pang pamilyar na mukha. Ang Clever Jaw! Bwisit! Mukhang totoo nga ang sinabi ni Levi na tumatanggap na siya ng members.

Hayy! Mahihirapan ako nito!

Ikinumpas ko ang aking palad pataas. Hanggang sa may lumitaw na itim na usok sa aking paligid. Iniluwa noon ang mga taong pasuray-suray kung kumilos. Mga Undead Ghouls.

Kaagad nilang sinugod ang mga players sa paligid. Para silang mga dahon na sumasabay sa agos ng hangin sa sobrang gaan. Wala silang mga sandata tulad nang pangkaraniwang ghouls. Pero napapatigil ang mga manlalaro tuwing tumatagos ito sa kanilang katawan.

"Katanic Rule!"

Nagulat na lamang ako nang biglang hinagis ni Levi ang kanyang katana sa aking paanan. Ha! Alam ko na ang susunod.

Bago pa siya makapagblink patungo sa akin, agad kong tinapakan ang anino nang kanyang espada. Sakto namang paglitaw niya at tumilapon siya patungo sa bahay na gawa sa katawan ng puno.

"Cider! Vodka! Ngayon na!"

Sa hudyat ni Levi ay kaagad na sumugod sa akin ang dalawang knights.

"Pangatlong witch? Hindi na masama!"

Tumalong magkasama ang magkapatid. Sabay nilang inihagis ang kanilang kalasag patungo sa akin dahilan upang tumilapon ako. Nagpagulong-gulong ako ng ilang beses hanggang sa tumama ang aking likuran sa ugat ng puno.

Haha! Ayos! Walang sakit! Manhid. 0% pain. Ang unfair din pala ng mga GM. Malaya nilang kinakalaban ang mga players na walang sakit na iniinda. Samantalang kami, nagtitiis sa 30% pain! Ha! Ayos!

Bago pa sila makasugod sa akin dala ang kanilang malalaki at mabibigat na espada, ikinumpas ko ang aking parehong kamay sa kanila.

"Kung di ka lang witch, malamang naappreciate ko na ang maputi mong legs!" Bulyaw ni Vodka sabay kagat ng kanyang labi.

"POOTAA! MANYAK MO PARE!" Sigaw ko sa kanya kasabay ang pagtayo. Ngayon ko lang napansin na litaw na litaw pala ang legs k-nitong witch! Pati ang dibdib sumusuray na! Di ko na kaya to. Di ko na kaya ang kamanyakang ito!

"Ha?! Nagmumura pala ang mga wit-"

Naputol ang sasabihin ni Cider nang kinuyom ko na ang aking kamao. Imbis na sumabog ang kanyang katawan, nabasag lamang ang kanyang armor.

"Tangnang witch to! Alam mo ba n-"

Muling naputol ang sasabihin niya nang ikinuyom ko uli ang aking kamao. Ramdam ko ang pagtusok ng aking mga kuko sa aking palad dahil sa pagkakadiin nito.

"Ha! Ikaw?" Baling ko kay Vodka. Tulad nang ginawa ko sa kanyang kapatid, dalawang beses kong kinuyom ang aking kamao.

Sumabog ang kanilang katawan at kumalat ang mga bahagi nito sa bawat parte nang city.

Haha! Di ko inaasahan na masyado nang over powered ang skill nitong witch. Dapat lang talaga na malakas ang mga boss. Para naman hindi kamali-maliit.

Muli akong nagpalabas ng mga Undead ghouls para maging decoy ko sa labanan. Pero talagang ako ang pinupuntirya ng mga players. Kaya wala na akong pamimilian kundi ang pasabugin na lamang ang kanilang katawan.

Teka, si Levi. Nasaan ang lokong yon?

"Katanic Rule! Swift!"

Nagulat na lamang ako nang bigla siyang lumitaw sa aking harapan. Sunod-sunod na blink ang natanggap ko habang iwinawasiwas niya sa akin ang kanyang dual katana. Wala akong makita kundi mga anino na mabilis na nagbabago ng puwesto. Bwisit. Ito na nga ba ang sinasabi ko!

"ESSENCE DRAIN!!"

Tatapakan ko na sana ang kaniyang anino pero bigla itong nawala! Paanong?!

Itinusok niya ang kanyang parehong sandata sa aking katawan. Wala akong nararamdamang sakit pero ramdam ko ang aking panghihina. Nauubusan ako ng lakas.

Napaluhod na lamang ako dahil sa panghihina.

"Psh! Decapitate." Singhal niya kasunod ang pagpugot sa aking ulo.

Unti-unting nagliwanag ang aking katawan hanggang sa maradaman ko na lamang ang pagkabasag nito.

Potaa ka Levi. Pagdating talaga sa mobs wala kang awa. Hayy! Bwisit.

Teka nga. Dapat matuwa pa ako! Nabawasan na ang witch. Ibig sabihin, naupdate na ang server quest. Update para sa sunod na kontinente! Bakit ngayon ko lamang naisip yoon? Dapat nagpafree hit na lamang ako para madali.

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now