Chapter 54: Confessions

1.9K 100 14
                                    

◆Sycamore Family's House
[8:00 PM]

Chicken barbeque, pork barbeque at beef barbeque. Grilled, smoked at roasted. Sweet and spicy, hot and spicy, at sour at spicy. Gravy, sarsa, hot sauce, toyo-mansi, at ketchup.

Lahat ng yan ay nakahain sa dining table. Lahat ng yan ay nakahain sa aking harapan! Bagong luto at may umaaso pang usok! Nakakapanglaway potaa. Namiss ko to!

Tutusukin ko na sana ang isang buong spicy roasted chicken with sweet and sour special sauce and pineapple chunks with savory hot sauce gamit ang tinidor nang hampasin ni Mama ang aking kamay.

"Ma naman..."

"I'm sorry Valk, just wait for our visitors. Sabay-sabay tayong kakain."

"Okay fine..."

Haha! Mamaya tayo magtutuos spicy roasted chicken with sweet and sour special sauce and pineapple chunks with savory hot sauce. Sa oras na makarating na ang bisita, hindi na kita patatawarin. Ha!

(A/N: Gawa-gawa ko lang po yung "spicy roasted chicken with sweet and sour special sauce and pineapple chunks with savory hot sauce". May sarili akong cookbook XD)

Nakaupo kami ngayon ni Mama sa mahabang dining table kasama si baby brother. Si Papa naman ay nasa may labas, sa may pool at nagbabarbeque pa. Gaano kaya katakaw ang aming bisita? Psh! Hindi halatang pinagplanuhan ang meal ngayon. Barbeque na kaninang breakfast at lunch. Barbeque din bilang dinner.

"Kanina habang namimili kami ng Papa mo sa supermarket, I noticed that, even the staffs are playing what you were playing. They even mentioned your name."

"Seryoso 'Ma? Naguusap sila sa oras ng trabaho? Saan ba kayo namili?"

"What? Mukhang nilamon ka na nang pagiging CEO mo last week. Why? May sinisante ka bang staff ng lolo Samuel mo?"

"Uhmm. May sinuspende po ako."

"What?! 17 years old ka lang Valk Yrie Sycamore kung di mo alam!"

Naku! Buntis nga pala si Mama. Baka magmukhang pinaglihi sa masamang loob ang baby brother ko pag-nagkataon.

"Relax 'Ma, nagbibiro lang ako. Hehehe. Pero darating tayo diyan." kamot ulo kong sagot.

"You know what, I'm so proud of you Valk, sa mura mong edad, ang layo na nang narating mo."

"'Ma, hindi naman ako laging nalabas ng bahay ah. Bahay, Sycamore Tree. Sycamore Tree, bahay. Diyan lang umiikot ang setting kapag nasa real world ako."

"I mean, urrhmm. Nevermind. Basta, wag ka puro laro. Baka isang araw hindi ka malabas ng game sya ka! Matuto ka ding mamuhay sa totoong mundo. Hindi lang sa mundong ginawa ng mga siyentipiko."

Bigla akong natulala sa sinabi ni Mama. Paano nga kaya kung isang araw hindi ako makalabas ng laro? Posible kaya yon? Ang makulong sa game? Ang makulong sa mundong ginawa ni lolo at nang mga kasama niya?

*Dingdong*

Napahinto ako sa pagiisip nang biglang magdoorbell. Sakto namang dating ni Papa bitbit ang kanyang niluto kaya naman ako na ang nagpresintang magbukas ng pinto. Mukhang sila na ang bisitang kanina pa namin hininintay.

"Good ev–"

"Hi Valk!"

"Yowww, Valk!"

"Good evening Valk."

"Hi there Mr. Young CEO."

"B-brenda? F-friedaa?"

...

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now