Chapter 59: Valk VS Levi Part 1

1.3K 71 7
                                    

Spindle Island
Swamp Fire
[3:00 PM]

Ting! Team 7 eliminated.

Ting! Team 16 eliminaed.

Ting!

Ting!

Status Update: 23 teams left: 100 participants left

Sa loob ng ilang oras naming paglalakad, walang katapusang notif ang bamareno sa amin. Sunod-sunod na ang naeelimimate sa competition. At sa loob ng mga oras na yoon, wala pa rin kaming nakikita at nakakasalubong na kapwa namin player.

"All we need to do is to survive right?" Tanong ni Kiss habang nilalaro sa kanyang kamay ang napulot niyang dual katana. Base sa itsura at cravings nito, pamilyar na pamilyar ito. Ito ang Twin Dragon Blade ni Levi. Hahahaha. Kawawang Senior. Hindi na niya mababawi ang sandata niya. Liban na lang kung ibenta ito ni Kiss sa kanya.

"Yes. We really don't need to be aggressive. Kailangan lang nating pumunta sa safe zone." Sagot naman ni Ice kasabay ang pagsiring ng kanyang mata.

Nandito kami ngayon sa isang swamp. Imbis na matubig na kapaligiran, at malamig na klima, kabaligtaran ito. Ang mga damo ay nasusunog pero hindi natutupok, ganun din ang mga puno.

Sa interface namin, may mapa ng buong isla sa upper left corner. Kung saan makikita namin ang pagliit ng safe zone at ang bawat lugar. Pero hindi visible sa mapa ang kalabang team. Pwera na lang kung abot ito ng line of sight mo.

Napagusapan na namin ang gagawing strategy. Imbis na papasok mismo kami sa bilog, ang gagawin namin ay ikutan ang outer perimeter ng safe zone. Ibig sabihin, pabilog ang aming paglalakbay. Sa ganong paraan, mas magiging mataas ang tyansa naming makasurvive.

"May tao..." Bulong ni Sam. "...dalawa, tatlo, hindi. Lima sila. Buong squad." Dugtong pa niya na nakapagpadagdag sa akin ng kaba.

Sa aming lima, si Kiss at si Beard lamang ang may sandata. Isang malaking kalasag ang kay tatang na kayang protektahan ang buong katawan na sinumang may hawak nito. May disenyo itong asul na dragon na may bugang apoy. Sa tingin ko, kay Vodka ang isang to. Ito ang kalasag na gamit niya nung kinalaban namin si Triple Unknown also known as my lolo.

Hmm...sa mga sandata ko kaya, sino na ang nakapulot?

Di bale na. Sa ngayon, kailangan muna naming intindihin ang isang squad na posible naming makasalubong.

Mas mataas ang privilege ng marksman at assassin sa senses, kaya di na nakapagtatakang madetect agad ito ni Sam. Useful ito lalo na kung may biglang sasalakay o aambush. Na siyang tiyak na mangyayari ngayon.

Kaagad kaming naghiwahiwalay at nagtago sa mga punong hindi natutupok. Hindi ko muna inalintana ang init na nanggagaling dito para sa plano naming pagambush. Hangga't maaari, hangga't maari, walang maeliminate sa amin. Kundi, mababa ang magiging tyansa ng bawat isa sa amin na makasali sa ESports.

Levi, Cider, Vodka at mga dalawang extrang di ko kilala. Sa kanilang lima, si Cider lamang ang may sandata. Si Vodka, isang malaking baluti, yung dalawa naman, robe at saka cape. Samantalang si Levi, walang bitbit na kahit ano. Mukhang siya lamang ang walang napulot. Sa pagkakaalam ko, puro wielding skills ang meron sya. Balewala ang skills niya kung wala siyang sandata.

Habang naglalakad sila sa kagubatan ay biglang timigil si Levi na nangunguna sa paglalakad. Dahil doon, napatingin ako sa kabilang puno kung saan nandoon si Kiss. Dahan-dahan niyang binunot ang dual katana na mukhang handa nang sumugod. Kaagad naman siyang napalingon sa akin kaya sinenyasan ko siyang "huwag".

"Ano na naman?" Reklamo ni Cider na hirap na hirap sa pagbubuhat ng kanyang sandata.

Iginala niya ang kanyang paningin hanggang sa mapadako ito sa pinagtataguan ko. "Valk labas." Seryoso niyang wika.

Potaa.

Umalis ako sa aking pinagtataguan at kamot ulo siyang hinarap. "Uy Levi! Nandito ka pala? Hehehehe. Kumusta?" Tanong ko habang unti-unting lumalapit sa kanya.

Sinalubong niya ako nang may galak sa mata. "Okay naman. HAHAHA. Anong ginagawa mo dyan sa likod ng puno? Nasaan ang mga kasama mo?"

"Mga kasama? Ahh oo. Ayun nasa likod ng puno. Nagtatago. HAHAHA!"

Narinig ako ang malutong na pagmumura ni Ice dahil sa sinabi ko.

"Ahh ganon ba? Tol walang personalan ha..." Lumapit siya sa akin saka umakbay. "Pare-pareho lang naman siguro natin gustong sumali sa ESports diba?" Tanong niya habang pasikreto niyang inilalagay sa kanyang likuran ang kanyang kanang kamay.

Tsk. Sabi na e.

Tumingin ako sa punong pinagtataguan ni Sam. Tinaasan ko siya ng kilay at agaran naman siyang tumango.

"Ewan ko kung gusto mo. Pero ako..." Tinapakan ko ang kanyang anino dahilan upang manigas ang kanyang katawan.

Shadow Step.

"Oo naman, kaya wala ding personalan ha?" Binunot ko sa kanyang likuran ang nakatago niyang punyal. "Makakapasok ang team ko."

"Paano–"

"NGAYON NA!"

Unang sumugod si Sam sa pamamagitan ng paghahagis ng mga maliliit na batong may lightning attribute. Nang pumatak ito sa mga kalaban at sabay-sabay silang nangisay.

Nanatili akong nakatapak sa anino ng aking kaibigan. Pilit niyang kumakawala sa binding skill ko pero balewala. Hangga't nakatindig ako, hindi siya makakaibo. Sa parehong pagkakataon, hindi rin siya makakapagsalita.

"Watdapak! Vodka, ikaw dun sa bata. Luck at Hideo, alerto kayo!" Utos ni Cider sa kanyang mga kasama na agad naman nilang ikinatango. Lumingon siya sa akin nang may ngisi. "At ako naman ang bahala sayo!"

"Armor Enhancement Spell: Rock Heart!" Tila mga magnet na nagdikit-dikit ang mga bato sa paligid at kumapit nito sa armor ni Vodka.

"True Sight: Reveal!" Lumutang ang lalakeng nakacape kasabay ng pagbabago ng kulay ng kanyang mata.

"Frozen Guardian's Magic: Ice Field!" Unti-unting lumamig ang temperatura at pagbalot ng yelo sa buong paligid.

"Ako naman! Raghhh! Weapon Enhancement Spell: Purification Coat!" Sa isang iglap, lumiwanag ang great sword ni Cider. Nagkaroon ng ancient cravings ang talim nito kasunod ang pag-aso ng puting essence mula rito. "TAPOS KA NA!" Sigaw niya.

Napansin kong pilit na ngumingisi ni Levi.

Pootangina! Anong meron sa mga taong ito?! Kakaiba ang shifting skills nila! Si Vodka, rock enhancement. Counter sa attribute ni Sam. True Sight nung Luck, narereveal ang position ng kalaban. Tapos yung kay Hideo, Frozen Guardian? Kingina.

Higit sa lahat, yung enhancement skill ni Cider!

Poota! Purification Magic! Counter ko nga pala ang white magic!

...

Hi guys! Sorry sa late update. Sana may nagbabasa pa. Hehehe. Tenkyuu

#★

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now