Chapter 49: Second Day

1.8K 107 9
                                    

Sycamore Tree
[8:00 AM]

"Exy, palitan mo ang game hours. Gawing 8 oras ang limit sa paglalaro sa loob game." Utos ko kay Exy na nasa aking tabi.

Matapos kong mabasa ang ilang complaints ay di ko na nakunsulta si lolo tungkol dito. Marami na palang nagrereklamong mga magulang tungkol sa oras ng paglalaro ng EFO. Ni hindi na nakakakain sa tamang oras ay hindi na nakakasama ang pamilya dahil doon. Sang-ayon naman ako sa kanilang reklamo. Kahit ako nga mismo hindi na rin nakakakain. Sana lang maging maganda ang kahihinatnan ng ginawa ko. Sana matuwa si lolo. Haha!

"Ting! Game time limit updated! Players can only play Exyvius Fantasy Online for 8 hours in real world, 24 hours in game world. Players will received gold bonus, elemental weapons, and four-stared quest in exchange."

Matapos magupdate ni Exy ay tinignan ko naman ang bagong post ng mga game masters sa website ng game. Nakunsulta ko na kahapon ang tatlong GM na kasama ko tungkol sa aking planong paglalagay ng limit. Nabalitaan ko sa kanila na ang pinakamatagal na oras sa paglalaro ng game ay isang linggo! Ibig sabihin, halos isang buwan sa loob ng game! Sa ganitong pagkakataon, finorce log-out daw ito ni Exy. May  psychological effect kapag masyadong nababad sa paglalaro. Gaya na lamang ng malalang pagkaadik at di makontrol na galit.

At ang mas ikinagulat ko, ay ang taong nagtagal sa loob ng game ng halos isang buwan. Isang masungit na matandang wizard na nakaharap namin noon nong guild war. Siya ang pinuno ng Powerhouse guild na may libo-libong miyembro. Walang iba kundi si Salem! Grabe si tatang. Kaya pala sobrang tindi ng galit niya nang pamaibabaw ang Miracle Emporium kesa sa kanyang shop. Hindi na ako magtataka kung magrereklamo siya.

Ting!

Ting!

Ting!

Ting!

Ting!

"Potaa! Ito na nga ba ang sinasabi ko!"

Sangkatutak na emails agad ang pumasok! Bukod pa sa comment at feedbacks sa post ni GM Gazz! Hayy! Ito ang pinakaayaw ko. Ang magbasa ng emails.

"Exy, pakibasa naman ng mga emails."

Inikot ko ang swivel chair na kinauupuan ko patungo sa likod. Tanaw na tanaw ko ang magarang syudad dahil sa gawa lamang sa bubog ang harang dito.

"Reading emails. Auto translate on. Ting! From Salem, hoy Sycamore Tree! Ano na?! Pakitanggal nga ng 8 hours limit. Kundi ako mismo ang magtatangal."

Parang bata. Hindi ko maintindihan kung bata baga nga o matanda si Salem. Kung avatar niya ang pagbabasehan, masasabi kong matanda na talaga siya. Pero kung ugali naman, bata nga. Nalilito ako.

"Ting! Video call request from Mr. Trion."

Ilang saglit pa ay lumitaw sa bubog na salamin ang virtual screen. Nakadisplay doon ang mukha ng isang isang middle-aged man na nakasuot ng pormalan. Si Mr. Trion. Ang spokesperson ng Sycamore Tree.

"Mr. Sycamore. Please proceed to conference hall. Your grandfather requested you to attend as an acting CEO. Thank you."

Matapos niyang sabihin yoon ay bigla akong kinabahan. Walang board meeting pero may pres-con naman?! Nong huling pres-con pinagtawanan lamang ako ng mga reporter. Di ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanila. Lalo na ngayon! Ano kayang naisipan ni lolo at nagpatawag siya ng pres-con? Siguro dahil sa mga pagbabago. Hay bahala na!

Bago ako pumunta, nagbihis muna ako ng maayos na damit. Dito kasi ako natulog kahapon kaya medyo dugyut pa ako. Ibig sabihin, dito na ako naligo. Buti na lamang at may sariling kuwarto sa office si lolo. Malawak ito at halos sinlaki na ng aming bahay. May second floor ang kanyang offuce kung saan nandoon ang kanyang kuwarto.

Naligo ako ng ilang minuto saka nagbihis. Di na ako masyadong nagtagal dahil ayokong may naghihintay sa akin. Ako ang magiging tagapagmana kaya dapat lagi akong on-time sa mga ganitong pagkakataon.

Para akong aatend ng prom dahil sa suot ko. Fitted na itim na slacks. Puting long sleeve polo na pinatungan ng itim na coat. Hindi na ako nagsuot ng necktie dahil sa nasasakal ako. Masama kasi ang alaala ko sa necktie. Lalo na nong junior high prom namin. Potaa! Ayoko nang maalala! Isang masamang panaginip!

◆Conference Hall
[10:00 AM]

"Sir, isuot nyo po itong shades." Wika sa akin ng isa sa aking bodyguard. Ibig kong sabihin, bodyguard ng kompanya.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Ibinilin po sa akin ni Mr. Samuel Sycamore na isuot nyo po ito. Masyadong nakakasilaw ang mga flash ng camera."

Psh. 2030 na may flash pa rin ang camera. Kaya naman pala halos lahat ng nakabuntot sa akin may shades din. Ultimong si Exy, may suot din.

"Okay fine."

Tinanggap ko ang shades at dagliang sinuot. Pagkabukas na pagkabukas ng glass door, kaagad na bumungad sa amin ang nga reporter na nakaupo sa pinakagutna. Kanya-kanya sila ng dala ng camera at panay ang pagpapapicture. Samantalang sa palibot naman sa may bandang itaas ay mga pamilyar na mukha.

"Langya ka Valk! Woohow!"

"Daig pa ang celebrity ahh!"

"Pogi "ko" kyah! BWAHAHA! Pa-fan sign!"

"TANGNA! Pamumuri mo balik din sayo ah! HAHAHA! Kaya mo yan Valk!"

Sina Levi, Sid, Cider at Vodka! May hawak nilang mga banner at posters na animo'y mga tagahanga ko! Kakaiba din ang mga ito. Totoo ngang may pakpak ang balita. Di ko inaasahan na makakarating sa kanila na ako ang pansamantalang may hawak ng kompanya. Alam kaya nila na ako ang nakalaban nilang witch? Haha! Ano kayang magiging reaksyon nila?

Bukod sa kanila, higit kong napansin ang babaeng mahinhing pumapalakpak sa kanilang tabi. Nang mapansing niyang tumingin ako sa kanya ay ginantihan niya ako ng kaway.

"Good luck Valk!" Sigaw sa akin ni Frieda. Kasama din niya sina Tiara, Megan at si Mist.

Pansamantala kong hinubad ang aking shades. Tinignan ko siya ng diretso saka kinindatan. Alam ko na hindi niya kita mula sa kanyang kinauupuan ang ginawa ko. Para na rin maganda ang exposure ko sa unang paglabas ko sa "Live telecast at sa TV."

Yong huli kasing prescon hindi tulad nito. Buti na lamang at nandyan ang mga kaibigan ko na tudo ang suporta. Kahit kaunti nabawasan ang aking kaba. Lalo na kay Frieda.

Umakyat na ako sa entablado at umupo sa tapat kung saan maraming microphone na nakahanay galing sa iba-ibang TV networks. Sa aking likuran naman ay nakapaskil ang poster ng EFO at logo ng mga sponsor.

Okay. Sana lang maging maayos ito.

"Relax lang Valk. As much as possible, be professional sa pagsagot." Pabulong na paalala sa akin ni Mr. Trion na nasa aking tabi. Bilang siya ang spokeperson, siguro hindi na bago sa kanya ang ganitong uri ng conference.

Mukhang kailangan ko talagang maging professional dito. Nakakapanibago.

"Masasanay ka din. This day will be the first day of your mild training as a CEO of Sycamore Tree. Balang araw ikaw na ang papalit kay Mr. Sycamore, sa grandfather mo. Balang araw..." Muli niyang bulong.

Kumunot ang noo ko nang binigyan niya ng diin ang salitang 'balang araw'. Pero higit kong napansin ay ang kanyang pag-ngisi ng nakakaloko na tila may ipinahihiwatig na kung anuman.

Weird.

...

#★

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now