Chapter 54

1.7K 42 1
                                    

Nang nagpasukan na ay hindi na kami ganoon palaging magkasama ni Seige. Bukod kasi sa madalas nilang practice ay madalas din siya sa company nila. Hindi ko alam pero parang inaayos nila 'yung gulo dahil sa pag-alis ng Daddy ni Patricia sa company nila. Pero kahit na ganoon ay nagagawa niyang isingit iyong pagkikita namin. Kahit na minsan ay gabi na siya nakakauwi, palagi pa rin siyang dumadaan sa bahay o kaya naman ay sinusundo ako sa school para sabay na kaming umuwi.

"Bes, dito na lang ako. Dumiretso ka na sa gym. Baka ma-late ka pa.", tumigil kami sa paglakad ni Mary. Napatingin ako sa kanya at kasalukuyan niyang inaayos iyong mga dala niyang papel. Kanina pa kasi siya sa cafeteria nag-aaral. 

"Sige. Goodluck sa quiz!", saad ko sa kanya bago niya ako iniwan doon. 

Tumuloy na ako sa paglalakad ko papunta sa gym. Tumingin ako sa wrist-watch ko at nakitang fifteen minutes na lang ay dadating na siya, it means kailangan ko ng umuwi kahit na may klase pa ako.

Nang dumating ako sa gym ay nagpa-practice silang lahat. Agad hinanap ng mata ko si Seige at natanaw ko kaagad siya 'di kalayuan. Nakatalikod siya sa pwesto ko. Nasa beywang niya ang magkabila niyang kamay habang pinapanood iyong kambal na tinatakbo ang buong gym.

Mukang may pinaparusahan na naman ang isang 'to ah?

"Seige!", sigaw ko mula sa pwesto ko at naglakad palapit sa kanya. Lumingon siya sa direksyon ko at agad bumungad sa'kin ang pawis niyang mukha at ang medyo basa niyang buhok.

"Yes baby?"

"Eh kasi kailangan kong umuwi ngayon.", paliwanag ko sa kanya. Napatingin ako doon sa kambal na tumigil na sa pagtakbo ngayon at nakatingin nalang sa'min. Agad na sinundan ni Seige ang tingin ko.

"Staring is rude. Dismissed. Our practice is done here.", aniya at binalik na ang tingin sa'kin.

Pinagmasdan ko kung paano mag-unahan iyong iba papunta sa shower room para maligo.

"Ramirez.", tawag ni Seige doon sa kambal na hindi pa masyadong nakakalayo sa'min.

"Next time you're late, I won't think twice to give you 70 rounds.", saad niya at mabilis akong hinila palabas ng gym.

"Ang hard mo sa mga teammates mo.", sita ko sa kanya habang naglalakad. Hindi siya umimik at mabilis lang na kinuha mula sa sahig iyong bag niya at bote ng gatorade.

"I just want them to be responsible.", saad niya habang naglalakad na kami sa labas. "Sooner or later, aalis na ako sa team. Sinasanay ko lang sila.", aniya at uminom doon sa gatorade niya.

Oo nga pala. Halos dalawang taon na lang ay ga-graduate na kami. 

"Bakit mo nga pala kailangan umuwi ngayon? May klase pa tayo, diba?"

"Naaalala mo iyong pinsan ko na nasa province?", tanong ko.  Tumango siya. "Ngayon ang dating niya."

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now