Chapter 25

1.8K 42 1
                                    

Araw ng sabado at kasalukuyan lang akong nakatanga sa bahay. Paano naman kasi, wala naman akong magagalaan. Si Seige, nagpaalam sa'kin na may trabaho ngayon. Si Mary naman kasalukuyang nagpapakasaya sa Baguio. Ewan ko sa babaeng 'yun, kung kailan sobrang lamig doon pa naisipan na mag-Baguio.

"Nathalie, nasa labas si Seige.", pumasok si Manang sa kwarto ko at sinabi iyon. 

Si Seige? Akala ko ba ay may trabaho 'yun ngayon?

"Sige po, bababa na ako.", tumayo na ako sa kama ko at inayos ang sarili ko bago ako bumaba.

Pagkababa ko ay naabutan ko siya na nasa living room namin. Napa-angat ang itaas na labi ko na makita ko ang suot niya. Naka-business attire siya. Mukang ang bango-bango niya.

Nang makita niya ako ay tumayo siya at naglakad palapit sa'kin. "Goodmorning.", bati niya at hinalikan ang pisngi ko. Agad na nag-init ang pisngi ko dahil doon.

Ngumiti ako at tumingin sa kanya. "Akala ko may trabaho ka ngayon?", tanong ko.

"Yes.", sagot niya. "I just want to tell you something."

"Ano?"

Saglit siya napatigil bago nagsalita ulit. "Grandma is here, and she wants to meet you.", agad na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"A-Ano? Bakit? I mean, bakit niya ako gusto makilala?", kinakabahang sagot ko sa kanya na naging dahilan para mapangiti siya. Agad ko hinampas ang braso niya, mahina lang naman.

"Why?", mas lalong nakangiti na sabi niya. "Don't be nervous, she just wants to meet you. That's all.", paliwanag niya.

Hindi na ako nakatanggi pa, sinabi ko na pumapayag ako. At grabe lang, ngayon pa lang kinakabahan na ako. Paano pag hindi ako nagustuhan ng lola niya? Paano kapag masungit pala ang lola niya at tarayan ako? Gaaah!

"I'll pick you up later, okay?", hinila ako ni Seige palapit sa kanya at ikinulong ako sa mga yakap niya. "Parang ayaw ko na tuloy pumasok.", saad niya at rinig ko ang pag-ngisi doon.

Bahagya ko siyang hinampas sa may braso. "Wag ka nga.", suway ko sa kanya pero deep inside ay kinikilig na ako.

"A'ryt, a'ryt.", saad niya at bumitaw sa pagkakayap sa'kin tapos ay humarap. Nakangiti siya. "I'll miss you."

Nahihiya ako'ng tumingin sa kanya. "Mamimiss din naman kita.", sagot ko sa kanya at ngumuso, pinipigilan ko kasi ang pag-ngiti ko.

"I really wanted to kiss those lips.", agad na nawala ang pag-nguso ko dahil sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Kasi naman! Wag ka nga!", suway ko na naman pero tumawa lang siya.

"I'll better get going now, baka mamaya hindi pa ako tuluyang makaalis.", nakangising sabi niya at hinila ako at hinalikan sa noo. "See you later.", tumango ako pagkatapos ng paghalik niya sa noo ko.

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now