Chapter 52

1.7K 48 4
                                    

Pagkatapos namin na bayaran iyong mga pinamili namin ay umuwi na din kami. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan na sulyapan si Seige na seryosong nakatingin sa daan.

"Stop staring, Baby.", aniya. "Or else, I'll stop this car and I'll kiss you.", bakas sa mukha niya na nag-eenjoy siya sa pananakot ng ganoon sa'kin.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa labas ng bintana pero agad ulit na napabalik ang tingin ko kay Seige ng marealize na hindi pauwi sa bahay ang daan na tinatahak namin ngayon.

"Saan tayo pupunta?", tanong ko.

"Sa unit ko.", pagkasabi nya noon ay sakto namang iniliko na din niya ang sasakyan niya. 

Agad na bumungad sakin ang tatlong nagtataasang building. Sa labas ng building ay may malaking sign na nakasulat ang salitang 'Avery Heights'.

"May unit ka dito?", tanong ko habang nagtatanggal ng seatbelt.

"Yup.", saad ni Seige at lumabas na.

Pagkalabas niya ay sumunod na din ako. Nang lumabas ako sa kotse ay mas napagmasdan ko ang kabuuan ng lugar. Modern na modern ang dating ng buong building at talagang mukang mahal ang mga unit dito. Hindi na ako magtataka kung hindi lang isa ang pagmamay-ari nila Seige na unit sa buong building na ito.

"Let's go.", hinawakan ni Seige ang kaliwang kamay ko. Sa kabilang kamay niya naman ay iyong mga pinamili namin kanina. Magkasabay kaming pumasok sa loob.

Nang huminto kami sa tapat ng pinto ng unit number 306 ay agad akong nilingon ni Seige.

"122594.", naguguluhan ko siyang nilingon ng dahil sa sinabi niya. "That's the passcode.", aniya at nginuso sa'kin iyong pintuan.

Agad kong pinindot ang sinabi niyang passcode at agad nang bumukas ang pinto. Hinila ako papasok ni Seige sa loob at bumungad sa'kin ang isang malinis at maayos na unit.

"Lock the door, baby.", saad ni Seige at nauna na sa'kin na pumasok papasok. Sinunod ko ang sinabi niya, ni-lock ko ang pinto ng unit niya at sumunod na din sa kanya.

Bumungad agad sa'kin ang malawak na living room ng unit niya. Mayroon itong dalawang malaking kulay itim na couch na nakaayos paharap sa kanyang flat-screen TV. Sa ilalim ng couch ay nakapwesto ang isang kulay pulang carpet at sa tabi ng TV ay maayos na nakahilera ang mga magazine at libro niya.

Nilibot ko pa ang paningin ko at mas napagtanto ko na puro black, white, at red lang ang makikita sa buong paligid. Pati narin ang mga gamit niyang maayos na nakadisplay ay naglalaro lang din sa ganoong kulay.

"Baby, come here.", narinig ko na tawag ni Seige sa'kin mula sa kitchen. 

Pumunta ako sa kitchen at bumungad agad sa'kin ang naka-topless na si Seige habang busy sa paghahalo ng kung ano doon sa may stove. 

A love letter for you: Letters to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon