Chapter 30

1.6K 40 2
                                    

NATHALIE

Pagkabalik ni Seige sa may court ay nagsimula na rin sila. Hindi pa ako nakaka-move on sa kiss niya sa'kin hanggang ngayon. Ni-hindi ko napaghandaan ang sinasabi niya na dapat ay masanay na ako dahil siya ang boyfriend ko, ay isang kissing monster. Mukhang ngayon pa lang nagsi-sink-in sa'kin na totoo nga iyong sinasabi niya.

"Go Falcons!!!"

"Go Philip!"

Puro cheer mula sa mga estudyante ng university namin ang naririnig ko. Full support sila sa team nila Seige. Inilibot ko pa ang paningin ko at natuon ang paningin ko sa lalaking naka-cross arms na nakatayo doon sa may kabilang bahagi ng court. Tulad ng ibang estudyante na narito ay naka-uniform din siya. Diretso ang tingin niya kela Seige na kasalukuyan na naglalaro na. Nakita ko na may lumapit sa kanya na long hair at nakipag-apir sa kanya. Tumawa ito, at doon mas lalo kong narealize na nakuha niya ang mata ng kuya niya, parehas silang singkit. 

"Diba kapatid ni Seige 'yun?", tumingin ako kay Maria na nasa kabilang gilid ko, nakita ko na inginuso niya si Zen na kanina lang at tinitignan ko. 

Tumango ako. "Oo, full-support sa kuya e.", nakangiting saad ko.

"Saan kapatid ni Seige?", this time kay Patricia naman ako napalingon. "Iyong may kausap na long-hair?", tumango ako at hindi na muling nagsalita.

Napabaling ang atensyon ko ng biglang pumito iyong referee. May itinuturo ito, kaagad ko na sinundan kung saan siya nakaturo at nagulat ako ng makita ko si Seige na nakaupo na sa sahig. 

"Omg.", rinig ko na saad ni Patricia.

Kitang-kita ko na nilapitan kaagad nila Romeo si Seige at itinayo ito. Nakita ko pa na parang may sinasabi sa kanya si Romeo, tinapik-tapik pa nito ang balikat niya. I know na hindi badmood si Seige ngayon, pero base sa nakikita ko. Mukang nawawala na siya unti-unti sa mood. 

Sinulyapan niya ako saglit at ng magtagpo ang mata namin, nakita ko kung paano lumambot ang expression ng mukha niya. He smiled at me tapos ay nag 'ok' sign, I smiled back, tapos noon ay balik na ulit siya sa laro.

"Grabe, isang ngiti lang tanggal na ang BV ni Captain!", tumatawang saad ni Maria at siniko ako, I just make a face tapos ay nangiti. 

***

4th Quarter na ng laro nila Seige, sila ang lamang laban sa kabilang grupo. Pansin na pansin ko na rin kung paano pag-initan noong kabilang grupo si Seige. Ilang beses siyang natumba habang naglalaro simula kanina, alam ko na ramdam niya na siya ang pinupuntirya ng kabilang team dahil na rin sa kung kanina ay nakakangiti pa siya sa'kin, ngayon hindi na. Tumitingin siya sa'kin, nahuhuli ko iyon. Pero kaagad din siyang iiwas ng tingin at magfo-focus sa laro.

"Foul number 11!"

Lumapit si Romeo para mag-three points. Pomoporma pa lang siya ay naririnig ko na kung paano suminghap itong nasa tabi ko. Tumingin ako saglit sa kanya at nakita ko na titig na titig siya kay Romeo na nakangiti pa habang mag-ti-three point shot na lang.

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now