Chapter 1

4K 86 7
                                    

NATHALIE'S POV

"So based on the examples given on your book, please tell me what does Management means, using your own words.",

Haaay! Ang gwapo talaga ni Seige, matangos na ilong, mapupulang labi, mapupungay na pilik-mata, at syempre isama mo pa ang kilay nyang ubod ng ganda. OO! As in maganda, maganda pa sa kilay ko, ewan ko nga ba dito, siguro nagpapa-ahit siya ng kilay at syempre alaga din sigurado ang balat niya, sa kinis at puti ba naman nito---

"Any idea, Ms. Perez?", Huh? Perez? *blink*blink*

Napatingin ako agad sa prof naming nakatayo sa harap, agad akong umayos ng upo. Mula sa pagkakapangalum-baba, tumuwid ako agad ng upo. At dahan dahang tumayo.

"A-Ah... W-What's your question again... M-Maam..", Hehehe! Muka akong tanga alam ko. Tengene kase lagi akong nadidistract sa kagwapuhan netong nasa gilid ko.. Saglit akong tumingin sa kanya. And he's looking at me, kaso ng magtama ang tingin namin, jusko! Mabilis pa sa alas-kwatro siyang umiwas ng tingin, at note: pairap pa ha! Ang sungit lang talaga niya, pero okay lang gwapo naman siya. Hihihihi.

"My question is, what is Management?", BULL'S EYE! Hindi ko alam ang sagot! -__- 

"A-Ah.. M-Management is... i-is...", 

"Ma'am,", napatingin ako kay Seige ng bigla siyang magtaas ng kamay. Uwaaa! Totoo ba ito? Tutulungan niya ako?! *cries*

"Yes, Mr. Ford?", 

"We have a practice for basketball and being the team captain, i need to be there, so can i go?", O-K, akala ko he will help me na! Magpapaalam lang pala para umattend sa practice nila. Nasabi ko na ba sa inyo na kasali siya sa Varsity ng University namin?? Diba, dagdag pogi points. OMGG! Pag nakita nyo syang maglaro, for sure magdo-drool kayo! *w*

"Oh.. Yes, of course, you can go..", sagot ni Ma'am. WOW ha as in capital W-O-W, pag kausap gwapo kailangan maging mabait? Kung hindi nyo naitatanong eh may lahing bipolar tong Prof namin eh. Minsan akala mo anghel sa bait, pero minsan naman akala mo sinapian ng masamang ispirito sa sunget.

Lumabas na si Seige, dala ang Varsity bag niya. Ni hindi manlang nga ako tinignan. Huhuhu!

"Okay, Ms. Perez, please take your seat.", sabi ni Ma'am pagkatapos dumaldal na ulit este nagdiscuss na ulit..

"Blah.. Blah.. Blah.."

"Blah.. Blah.. Blah.." and after 1234246372 years, de jk after half an hour.

"Okay, class dismissed.", sa wakaaas! 

Tumayo ako kaagad at kinuha ang bag ko para pumunta sa Gym. Syempre full support ako kay Seige kahit na practice lang iyon.

"Hoy hoy hoy babae, san ang lakad mo?", biglang may humila sa suot ko bagpack dahilan para mapatigil ako paglabas ng pinto.

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now