Chapter 34

1.4K 45 0
                                    

Pagkapasok namin sa loob ng Conference Room ay kaagad kong natanaw ang Grandma ni Seige. Nakaupo ito sa may upuan sa pinakadulo, may kausap itong dalawang tao pero dahil sa nakatalikod ang upuan nila mula dito sa pwesto namin ay hindi namin sila makita.

"Grandma.", saad ni Seige at naglakad na kami palapit sa Lola niya. Agad humalik si Seige dito. "What are you going to say? May date pa kami ni Nathalie.", saad niya. Napatingin sa'kin ang Lola niya kaya agad akong ngumiti sa kanya, ngumiti naman ito pabalik sa'kin tapos ay ibinalik na muli ang tingin sa apo niya. 

Iginala ko ang tingin ko at napunta iyon doon sa dalawang tao na kausap ng Lola ni Seige. Isang lalaki, sa unang tingin dito ay mapapansin na kaagad ang malalim nitong mga mata, pati na rin ang pagod nitong ekspresyon, pero kahit na ganoon ay nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan nito, sa tabi niya ay nakaupo ang isang maganda at mistisahing babae. Base sa itsura nilang dalawa ay mukhang mayaman ito at kung baka hindi pa ako nagkakamali ay baka business partners ito ng Lola niya. Ngumiti sa'kin iyong babae, masaya ko siyang nginitian pabalik. Napunta naman ang tingin ko doon sa lalake at napawi ang ngiti ko ng makita siyang seryosong nakatingin sa'kin, his eyes seems very familiar. Hindi manlang ito nakangiti o ano.

"Nathalie, let's go.", napabalik ang tingin ko kay Seige dahil sa mariin niyang sinabi. Tumingin siya doon sa kung saan nakaupo iyong babae at lalake. 

"Keizler! At least talk to him!", mariing sabi ng Lola ni Seige. Teka? Naguguluhan na ako sa kanila.

"Seige.", mas lalo akong naguluhan ng marinig ko na magsalita iyong lalaki. Napatingin ako sa kanya at nakita na nakatayo na siya at nakaharap na sa'min. Sa tabi niya ay nakatayo din iyong magandang babae.

"Seige, how are you?", naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Seige sa kamay ko. Napatingin na naman ako sa kanya at nagulat ako, dahil nakikita ko na naman iyong dating siya. Ngumisi si Seige, pero hindi pa rin tinitignan iyong lalaki.

"Wow.", saad nya at sa wakas ay tumingin na doon sa lalaki. Ni wala manlang kahit na anong emosyon ang makikita sa mata niya. Bakit?

"We're very fine. You know, you don't need to come here just to check on us.". aniya habang nakangisi. "Okay na? Pwede ka ng bumalik ng Europe. And if it's okay, isama mo na rin ang anak mo.", pagtatapos niya tapos ay mabilisan akong hinila palabas doon.

*****

Hindi ako nagsasalita at nagpapahila lang sa kanya. Maya-maya ay huminto kami sa tapat ng sasakyan niya, nakatitig lang ako sa kanya at kitang-kita ko kung paano siya nanghihinang napasandal sa hood ng kotse niya. Kaagad ko siyang nilapitan.

"Ayos ka lang ba?", tanong ko kahit na naguguluhan ako kung ano'ng nangyayari sa kanya. Kilala ba niya iyong lalaki? May away ba sila? Pero imposible iyon, mukhang matanda na iyong lalaki kanina at imposible na isa ito sa mga nakaaway ni Seige.

Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahan na umangat ang ulo ni Seige. Ngumiti siya sa'kin at saglit akong tinitigan. Itinaas niya ang kamay niya at inilagay sa likod ng tainga ko ang buhok ko.

"Can I ask you favor?", mabilisan akong tumango lalo na ng marinig ko ang tono ng boses niya. "Can we stop at the cemetery?", ngumiti ako sa kanya at tumango. Ngumiti din siya pabalik sa akin tapos ay umayos na siya ng tayo at naglakad para pagbuksan ako ng pinto.

Ilang saglit lang ay nasa sementeryo na kami, iyong sementeryo na pinuntahan namin, kung saan nakalibing ang biological mother niya at ang step-mom niya. Pagkadating doon sa tapat ng museleo ng tunay niyang mommy ay huminto na ang sasakyan niya. Bumaba na kaming dalawa at dumiretso sa loob noon. 

Nagulat ako ng pagkapasok namin ay isang fresh na flowers ang bumungad sa'min. Nakalagay ito sa ibabaw ng punto ng Mommy niya. Sigurado ako na kakalagay lang ng bulaklak na ito, dahil sa tabi nito ay nakatulos ang isang kandila. 

Tumalungko si Seige at marahang hinaplos ang ibabaw ng puntod ng Mommy niya, nalungkot ako ng makita ko siyang ginagawa iyon. Pakiramdam ko ay sobrang nasasaktan siya, pero hindi ko alam kung sa anong dahilan. 

Lumapit ako at gaya niya ay tumalungko din. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay tahimik na nakatitig sa puntod ng Mommy niya. Nanlaki ang mata ko at parang piniga ang puso ko ng makita ko na lumandas ang isang luha galing sa mata niya. Natataranta akong hinawakan ang kamay niy. Tumingin siya sa'kin at mas piniga ang puso ko ng makita ko kung paano umagos ang luha sa mga mata niya. Oh no, my Seige..

Kaagad ko siyang niyakap, agad kong naramdaman ang pagyakap niya sa'king pabalik kasabay noon ay nanghihina siyang napaupo sa sahig ng museleo. 

Hindi ako nagsasalita at hinayaan lang siya na ganoon. Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman ko na, na kumalma at huminto na siya sa pag-iyak.

"Sorry about that.", ngumiti siya sa'kin at marahan akong hinalikan sa noo ng humiwalay siya sa yakapan namin. Tumango ako at ngumiti pabalik sa kanya para ipaalam na ayos lang sa'kin. 

Gusto ko na malaman iyong dahilan pero ayoko na magtanong. Nasasaktan ako na nakikita siya na ganito, nasasaktan ako para sa kanya.

Nang lumabas kami sa museleo ng Mommy niya ay hawak-hawak niya ang kamay ko at dumiretso kami sa puntod ng Mommy ni Zen, ang step-mom niya. Katulad ng ginawa niya sa puntod ng Mommy niya ay lumuhod din siya at marahang hinaplos ang puntod nito. Ilang minuto ang lumipas bago siya tumayo doon at nagpaalam. 

Hinawakan niya ang kamay ko habang pabalik kami sa sasakyan niya, pero nagulat ako ng imbis na doon kami dumiretso sa kotse niya ay hinila niya ako paupo doon sa bench hindi kalayuan. 

Pagkaupo doon ay namagitan sa'min ang mahabang katahimikan bago ko siya narinig na nagsalita.

"The man in the office a while ago is my Dad.", saad niya tapos ay tumingala. Napangiti siya ng pilit bago ulit nagsalita. "He's been gone for 9 years. Sa loob ng nine years na 'yun, never kaming nagkaroon ng chance makapag-usap. He calls, pero it was my decision not to talk to him."

"Bakit ayaw mo? He's your Dad, Seige.", saad ko habang pinagmamasdan siyang mabuti.

"Yes. That's true, he's my Dad. Pero, did he act as if he was?", mariing siyang pumikit, siguro ay kinakalma ang sarili. "He left after Mom died. Kung kailan kailangan namin siya, saka siya umalis. At kasabay ng pag-iwan niya sa'min ni Zen ay ang pag-iwan din niya sa'kin ng malaking resposibilidad. He gave me a big responsibility na hindi para dapat sa'kin. At a young age I was obliged na pag-aralan yung kumpanya na pagdating na panahon ay ako ang mamamahala. Imagine, I was only 10 years old that time."

"Seige..", mahinang banggit ko sa pangalan niya.

"I had a tough childhood, Nathalie.", aniya at huminga ng malalim. "Yung mga kasing-edad ko nung time na yun, was busy enjoying their childhood. Pero ako? I didn't experience that, yung ibang bata nagsasaya sa paglalaro, ineenjoy yung buhay as a kid. Pero ako? I was at home, studying, taking special classes that will prepare me for the future.", hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga nalaman ko tungkol sa kanya. I can't imagine his life noong bata siya, I can't imagine kung ano yung mga pinagdaanan niya noong bata niya.

"Galit ka ba sa kanya?", tanong ko. Saglit siyang hindi nakaimik hanggang sa napansin ko nalang na tumango siya.

"I am mad. So mad.", muling piniga ang puso ko sa sagot niya. Seige always act as if matapang siya, na malakas siya, na hindi siya nasasaktan. Pero sa nakikita ko ngayon, I can see that he's hurting. He's hurting dahil sa sarili niyang ama.

"Seige, you can't be mad with him. He's your Dad.", saad ko. "Maaari na nagawa niya kayong iwan at bigyan ka noon ng malaking responsibilidad, pero hindi iyon sapat na dahilan para magalit ka sa kanya.", hindi iyon sapat dahil alam ko na his Dad loves him, I can clearly see that.

"That wasn't the reason kung bakit ako galit sa kanya.", saad niya, naguguluhan akong napatingin sa kanya at hinintay ang sumunod niyang sasabihin. "I tried to understand him, na maybe he was also hurt that's why he left us. Pero nang malaman ko na he was the reason why Mom died? Lahat ng pag-intindi ko sa kanya naglaho. Mom died because she found out that Dad was having an affair, he killed Mom, at hindi pa siya nakonsensya because the reason why he left us, ay para sundan ang mistress niya sa Europe.", napanganga ako ng matapos siyang magsalita. I can't.. I can't believe it.. Ang ibig sabihin ay ang babaeng kasama at katabi ng Daddy niya kanina ay ang kabit ng Dad niya na naging rason para mamatay ang Mommy nila ni Zen? What the heck?

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now