Chapter 43

1.4K 33 1
                                    

Nanatili ang ngiti ko habang silang lahat ay nagtatakang nakatingin sa’kin na tila hinihintay ang sasabihin ko.

“Sabihin mo na.”, agad hinanap ng mata ang nagsabi noon, nakita ko si Romeo na nakakunot ang noong nakatingin sa’kin at naghihintay din ng sasabihin ko.

“Hindi koi to despidida.”, ani ko ng nakangiti pa rin.

“Ade, kelan ang despidida mo?”, Ani ni Kai. “Akala ko pa naman inagahan mo para makasama mo kaming lahat.”

Ngayon, ako naman ang nagtaka sa sinabi niya.

“Pupunta ako ng Japan para doon mag-undas.”, dagdag ni Kairen. “Iyong iba sa ibang bansa magbabakasyon.”

Ano pa nga bang aasahan ko sa mga rich kids na ito? Syempre halos lahat sa kanila ay mangingibang-bansa para doon mag-sembreak.

“Wala, hindi ako magpapadespedida.”, saad ko. “Kasi.. Hindi na ako matutuloy sa Canada.”, nakangiting saad ko sa kanila.

Saglit silang hindi kumibo bago sabay-sabay na ngumiti sa’kin. “Salamat naman!”, saad nila at pinaulanan ako ng mga yakap at mga masasayang tawa.

***

Sabay-sabay kaming kumain sa dining room. Puro asaran ang nangyari lalo na sa mga makukulit na members ng Falcon Boys. Pagkatapos na kumain ay dumiretso naman kami sa living room at naglaro ng videogames iyong mga boys.

Buong araw ay sobrang saya ko at pakiramdam ko unti-unti ko na ulit natututunan na tumawa at maging masaya. Mag-gagabi na ng magdesisyon silang umuwi dahil iyong iba sa kanila ay flight pa pala bukas.

Hinatid ko silang lahat sa labas. Pasakay na si Romeo ng kotse dahil sa kanyang sasakyan ang sinakyan ng magring ang cellphone niya. Nakita ko na matagal nyang pinagmasdan ang screen nito bago niya sinagot ang tawag.

“Bakit?”, narinig ko na sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya. Natigilan ako sa pakikipag-usap kay Mary ng makita ko ang pagguhit ng gulat sa mukha ni Romeo.

“Oo.. Sige… Papunta na ako.”, saad niya at ibinaba na ang cellphone niya. Hinarap niya kami agad.

“Bukas ang flight nila Seige pa-US.”, hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Nagtataka lang ako kung niya sinasabi iyon ngayon, sa harap naming lahat.

“Si Tito..”, saad niya. “Wala na siya.”, kaagad bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko.

“S-Sinong tumawag sa’yo?”, pabulong na sabi ko. Kaagad niya akong nilingon at nakita ko kaagad sa mata niya ang gulat ang lungkot.

“Si Seige..”, saad niya.

Parang lahat kami ay umurong ang dila sa narinig namin. Parang kailan lang nung huli kong nakita ang Daddy niya, paano nangyari na wala na ito ngayon? Kung ganoon.. Umuwi ang Daddy nila Seige, dahil may sakit ito? Kaya ba ganon ang itsura niya ng unang beses ko siyang makita?

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now