Chapter 22

1.8K 50 4
                                    

Nagsusukatan ng tingin si Seige at ang lalaki na nasa sahig. Hawak-hawak si Seige ni Philip at ni Romeo sa magkabilang gilid, habang kaming nandito at nanunuod sa gilid, ay sobrang nabigla sa kakatapos lang mangyari.

Nakita ko ang pagngisi ng lalaking nakatumba sa sahig. "Easy, man.", sabi niya at pinunasan ang dugo sa labi niya.

Lumipat ang tingin ko kay Seige. Hinawi niya ang mga kamay na nakahawak sa kanya. Tapos ay naglakad siya palapit sa lalaki na nasa sahig.

"Seige-", nagtangka si Philip na pigilan si Seige, pero agad siyang pinigilan ni Romeo, kasabay ang pag-iling.

Agad hinawakan ni Seige ang kwelyo ng lalaki ng makalapit siya dito. Hinila niya ito patayo. Kitang-kita ko ang galit sa nag-aalab na mata ni Seige. Parang kahit anong oras ay kaya niyang patumbahin ulit ang lalaki na nasa harapan niya. Para siyang mabangis na hayop na kapag nagsimulang magalit ay hindi na mapipigilan ng kahit na sino o ng kahit na ano.

"Touch her again and I'll kill you.", mahina ngunit mariin niyang sabi.

Napapitlag ako ng makita ko na tumingin sa'kin si Steve. Ngumisi na naman siya. "Hindi ko alam na nagseseryoso ka na pala ngayon.", sagot niya at ibinalik ang tingin kay Seige. "Fine, I won't touch her again.", itinaas nito ang dalawa niyang kamay na para bang nagsu-surrender.

Dahan-dahan ay binitiwan siya ni Seige. "Go home, you're wasting your time.", matalim na sabi ni Seige at tinalikuran siya. 

"Let's go.", nagulat ako ng biglang hilahin ni Seige ang kamay ko. Hindi na ako nakasagot dahil agad-agad ay hinila niya na ako palabas ng Gym.

Walang nagsasalita sa'min hanggang sa makarating kami sa may field. Nagulat ako ng bigla ay iniharap niya ako sa kanya at agad na pinunasan ang mukha ko.

"Seige.", tawag ko sa kanya.

"Where did he touch you?", tanong niya habang nakatingin sa mukha ko.

"Ha?"

"Where did Steve touch you?", sagot niya. 

Ah gets ko na. Pinupunasan niya ang mukha ko dahil sa hinawakan iyon ni Steve. Pinupunasan niya ang mukha ko dahil itinuturing niya na madumi ang kamay ni Steve na kanina ay humawak sa mukha ko.

Natawa ako sa inaasal niya. "Why are you laughing?", tanong niya at tumigil sa pagpunas sa mukha ko. 

"Wala.", saad ko na nagpipigil ng tawa.

"Tell me or I'll kiss you.", napatulala ako sa sinabi niya. "Tell me, I'll count one to three."

"One."

"Seige!", suway ko sa kanya

"Two." pagtutuloy niya ng bilang niya. "If this reaches three then I'll have your first kiss."

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now