Chapter 8

2.4K 42 1
                                    

NATHALIE'S POV

"Sa loob na kayo magdinner? Papaluto ako kay manang..", yaya ko kela Phil pati kela Lou at Sey na nasa labas ng bahay. 

"Sige..", sagot ni Phil tapos nilock lang niya yung pinto ng kotse niya tapos sabay-sabay na kami pumasok.

"Ang cute naman ng bahay nyo, Nathalie.", sabi ni Lou na nililibot ang tingin. Eh? Cute dito eh ang laki nga ng bahay. Tapos laging kami lang naman ni manang ang tao dito.

"Eto? Cute?", sabi ni Maria "Eh ang laki nga ng bahay nitong si Nathalie eh. Tapos cute? Naliliitan ka pa ba dito?"

Parang nag-isip pa si Lou ng ilang sandali tapos naka-pout siya habang tumatango-tango.

"Seryoso ka?", hindi makapaniwalang sagot ko. Grabe lang, naliliitan pa nga siya sa bahay namin. Eh ano kayang bahay ng dalawang to? Palasyo?!

Biglang inakbayan ni Philip si Lou. "Alam mo kasi Nathalie, hindi lang sa halata ng istura nila, lalo na sa itsura nitong si Lou, mayayaman yang mga yan.", walang hiyang Philip, nilait pa si Lou. 

"Next weekend, punta kayo sa bahay para makita nyo bahay namin. Diba Sey?", nang banggitin niya ang pangalan ni Sey, doon ko lang naalala na kasama nga pala namin sya. Nang makita ko kung asan si Sey, montik na ako matawa. Pano naman kase nakaupo si Sey sa may living room habang natutulog ata. Nakapikit kasi eh.

"Sey! Ano na naman ang ginagawa mo jan!", lumapit si Lou at biglang hinila si Sey, dahilan para mapadilat ito at mapatayo bigla ng dahil sa gulat.

"Lul. Sey. Medyo pahiya ka don.", narinig namin na bulong ni Lou kay Sey habang nakapout. Tumingin lang naman ng masama si Sey kay Lou at biglang lumayo na si Lou..

"Tara na.. Hehe.. Gutom na daw si Sey..", bulong ni Lou ng makalapit siya samin. Natatawa na lang ako sa dalawa na to eh. 

"Sige papahanda ko na pagkain, dyan muna kayo.", nagpaalam ako at pumunta sa may kitchen para sabihin kay manang na maghanda na ng pagkain namin. Habang nagluluto pa si manang. Kumuha muna ako ng snack namin sa may fridge tapos bumalik na sa living room.

"Meryenda muna. Medyo hindi pa ready yung food eh.", sabi ko at inilapag sa may table yung tray ng juice. Kasunod ko naman si manang at dinala niya yung tray ng cake. Agad na kinuha ni Lou yung plate na may cake at nagsimulang sumubo na parang bata.

"Takaw talaga oh.", bubulong bulong na sabi ni Sey

"Dahan-dahan", sabi naman ni Maria.

"Di ka naman masyadong gutom pre?", -Philip

"Mywedyoh wlang... Gwabeh ang swarap nwito..", sabi pa niya habang ngumunguya

"Hahaha! Meron pa sa kusina, kung gusto mo pa!", natatawang sabi ko. Siguro ang sarap magkaroon ng kapatid na kasing cute niya.

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now