Chapter 2

2.9K 63 1
                                    

"Today, I was able to watch you play your sport. And I think, I'm falling for you even more.. I am glad that, in that simple way, I have a chance to stare at you... Even from a far.."

♔♔♔

NATHALIE'S POV

Dumating ako ng school kinabukasan ng may malaking ngiti sa aking mga labi. Paano ba naman kase, ang ganda ng panaginip ko. At alam ko na alam nyo na kung sino ang taong nasa panaginip ko, syempre si Seige, matutuwa ba ako ng ganto kung hindi siya?

Ay ang landi mo talaga Nathalie!!! Bulong ng konsensya ko sa akin! AMP! Kontrabida!

Naglalakad lakad pa ako hanggang sa marating ko na ang classroom namin. Papasok na sana ako ng may mag over-take sakin ng dalawang lalaki na nag-uusap.

"Nabalitaan mo ba? Napaaway daw sila kagabi ah.", sabi ni boy 1

"Oo, sabi nga, saka narinig ko nga sa mga kateam niya, ", sagot naman ni boy 2

Napaaway? Sino naman?! Hmm. Umaga-umaga chismis ang dala ng dalawang ito ah! 

Tuluyan na akong pumasok sa classroom, agad na hinanap ng mata ko si Seige, pero wala pa sya, haaay late na naman siguro siya. *le sad*

"Oy Nathalie, di ka daw sumabay kay Mary kahapon?", napatingala ako kay Philip.

"Ah, Oo may nakalimutan kasi ako dito sa room eh. Saka may dinaanan pa ako. Hehe.", sagot ko sa kanya at tinungo ang upuan ko at umupo. Sinundan naman niya ako.

"Mukang lagi kang lutang sa klase ah.", bigla niyang sabi.

"Huh?! Sabe sabe mo?", sagot ko sa kanya at nag-make face pa.

"Kahapon, tinawag ka ni Maam, di ka nakasagot. Aba ayusin mo buhay mo, susumbong kita kay Tita eh", at nanakot pa?! SINONG TINAKOT NIYA?!!!

'ikaw.' bulong na naman ng isip ko sa akin. Hehehe. oo nga sabe ko nga. >.>

"Hehe. Oo na, TAY!", sagot ko at pinagdiinan ko pa yung tay. Grabe kasi daig pa tatay ko makapanermon eh.

"Anong tay?!", sagot niya. May balak pa syang hilahin ako, trip makipagharutan pero dumating na si Maam. Binelatan ko lang siya, biniletan niya din ako pero agad din naman siyang bumalik sa upuan niya.

♔♔♔

"Okay, so this will be the arrangement for your report.", REPORT?! Anong report ang sinasabi niya?!

"Let's do it by three.", sabi ni Maam agad naman na nagka-ingay yung mga ka-block namin dahil na rin sa naghahanap na sila ng mga makakasama sa group.

"Okay, because you're very quiet, I'll be the one to choose your groupmates.",

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now