Chapter 32

1.5K 41 4
                                    

Isang linggo na lang at exams week na! Grabe, ang bilis ng panahon. Pagkatapos ng exam ay sem-break na. Katulad ng nakasanayan namin nila Mommy ay sigurado na uuwi kami sa probinsya para doon icelebrate ang All Souls Day. Haay! Mamimiss ko si Seige!

"Goodmorning, Ma'am!", nginitian ko ang gwardiya na nakatayo sa may gilid ng entrance ng school gate. 

Maaga pa at hindi kami magkasabay na pumasok ni Seige dahil sa may practice na sila kahit na ganito pa lang kaaga. Nagre-ready na kasi sila para sa tournament na sasalihan nila bago matapos ang First Sem ng school year. 

Tumuloy na ako paakyat sa building namin at dumiretso sa hallway. Huminto ako at hinarap ang locker niya. Matagal-tagal na rin simula ng huli akong maghulog ng letter para sa kanya. Naaalala ko pa ang sinulat ko dito sa letter ko. 

To: Mr. MVP

I hope you're doing good, sa practice mo, and of course sa girlfriend mo. I hope you're happy with her. I can see na you're slowly changing na, dati-rati you're the scariest, and the most masungit guy, na lagi ko nakikita, but ngayon parang hindi na. You already turned into someone, happy. Keep it up! I'm glad to see you smiling, I'm glad you're happy. :))

From: Anonymous 

Napangiti ako bago ko tuluyang hinulog ang letter ko sa butas ng locker niya. Konting hintay na lang, Seige. Aamin na din ako sa'yo, and by that time alam ko na you'll be surprised.

"Nathalie?", kumabog ang dibdib ko at agad akong napatingin sa pinanggagalingan ng boses na iyon.

"P- Patricia?", saad ko. "A-Anong ginagawa mo dito? Maaga pa, a?"

Tumango si Patricia sa'kin tapos ay naglakad palapit. "The early bird catches the worm.", saad niya tapos ay ngumiti ng malapad.

"Ikaw? Bakit ang aga mo?", saad niya habang nakangiti tapos ay nagulat ako ng isabit niya sa braso ko ang mga braso niya. Napatingin siya sa locker sa harap namin.

"Chine-check mo locker ni Seige?", saad niya. Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa tanong niya. Pinilit kong ngumiti sa kanya at lumunok para maging maayos ang lalabas na salita sa bibig ko.

"Hindi, napadaan lang ako.", ngumiti ako sa kanya. "Tara?"

Tumango siya at sabay na kaming umalis doon. Dumiretso kami sa may hagdanan, hindi pa kasi bukas 'yung room dahilan ng maaga pa nga kaya doon na muna kami nag-stay ni Patricia.

"Nathalie, ilang months na kayo ni Seige?", naka-upo kami ni Patricia ng bigla siyang magsalita, napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa'kin at naghihintay ng sagot ko.

"Kaka one month pa lang namin.", I answered her question habang nakangiti. Nakita ko na tumango-tango siya.

"Eh, gaano katagal mo na siyang kilala?"

Napaisip ako, gaano ko na nga ba siya katagal na kilala? Since first year kilala ko na siya, hindi ko lang alam kung kilala niya na ba ako ng time na 'yun. 

"Since first year kilala ko na siya."

"Cool naman, so since first year may feelings na kayo sa isa't-isa?", tanong niyang muli. 

Now I wondered. Since first year pa nga lang ba napapansin na ako ni Seige? Iyong tipong naaagaw ko ang atensyon niya? Pero naisip ko, kung simula pa lang noon ay napapansin niya na ako ade sana hindi ko na kinailangan pang sulatan siya ng letter.

"Ako siguro, mayroon na. Pero siya? Hindi.", napangiti ako sa sarili kong sagot. "You know him. Snob, sikat, at mayaman. Syempre, napaka-imposible na mapansin ako noon dati.", nagflashback lahat sa'kin lahat ng mga gawain ko noong first year makanakaw lang ng tingin sa kanya. Lahat ng kabaliwan ko noon para lang makita siya. Lahat ng pagstalk ko sa kanya na umabot pa sa pagiging secret admirer ko sa kanya. 

Nagtanong pa ng nagtanong si Patricia ng tungkol sa'min ni Seige, nang mag-bell na ay agad din siyang nagpaalam para sa klase niya. Kaya ganoon rin ang ginawa ko. 

Matapos ang half day naming klase ay lumabas na rin ako para mag-lunch. Dahil nga busy din si Mary ngayon dahil marami silang lesson, ako lang mag-isa ang bumaba sa cafeteria para mag-lunch.

Nang makarating ako sa cafeteria ay bumili lang ako ng pagkain ko tapos ay humanap ng table para doon sana kumain. 

Habang kumakain ako ay napatigil ako ng maramdaman ko ng may nakatayo sa harap ko. Tumingala ako at agad bumungad sa'kin ang mukha ng isang pamilyar na lalaki.

"Steve, there you are.", saad ng tumatakbong lalaki palapit sa lalaking nasa harapan ko.

Steve. Steve. Steve. Siya iyong Captain ng kabilang school na montik na makaaway ni Seige noon. Pero, anong ginagawa niya dito?

"Who's the chic?", tanong noong lalaki kay Steve na nasa harap ko. Nakita ko na ngumisi siya tapos ay mabilis na naupo sa upuan sa harap ko.

"Hi, Miss.", Saad niya. Kaagad akong tumingin sa paligid ko at kaagad ko nakita na nakatingin sa table ko ang mga schoolmates ko na kasalukuyan din na kumakain. Kaagad akong kinabahan, galit si Seige kay Steve sa hindi ko malaman na dahilan at siguradong kapag nakarating sa kanya ang balita na pumunta dito si Steve at kinausap ako ay tyak na magagalit yun.

Mabilis kong iniligpit ang pagkain kong nasa ibabaw ng table at ang mga gamit ko. Mabilis ko itong inilagay sa bag ko tapos ay agad na tumayo para sana umalis na pero nagulat ako ng biglang hablutin ni Steve ang braso ko.

"Come on don't be such a KJ, I just want to have a little chitchat with you.", aniya at ngumisi, kasabay ng pagngisi niyang iyon ay ang biglang pangingibabaw ng isang pamilyar na boses.

"Let her go, Steve.", mas lalong lumawak ang ngisi ni Steve pero mabilis ding binitawan ang braso ko. Sabay kaming napatingin sa direksyon ni Seige. Mukhang kakagaling pa lang niya sa practice dahil na rin sa naka-jersey pa siya at pawis na pawis pa.

"Easy. Nakikipag-kwentuhan lang ako sa girlfriend mo.", ngisi niya.

Mabilis na naglakad si Seige palapit sa pwesto namin at kaagad niya akong hinila papunta sa kanya.

"Sinabi ko na sa'yo diba? You touch her again and I'll kill you.", umamba si Seige ng suntok kay Steve pero mabilis kong hinila ang kamay niya. Napatingin siya sa'kin at halatang nagulat sa ginawa ko. Umiling ako sa kanya sabay ang paghila ko sa braso niya para sana umalis na kami. Pero imbes na sumunod ay tinignan niya muli si Steve.

"Listen to what I am going to say, Steve. I don't have time for you bullshits, so if I were you. Babalik na lang ako ng States at mananahik doon.", pagkasabi noon ni Seige ay siya na mismo ang humila sa'kin palabas ng cafeteria. 

Habang palabas kami doon ay hindi ko napigilan ang sarili ko na lingunin si Steve at nagulat ako ng makita ko siya doong tulala at malungkot.

"Bakit kausap mo si Steve?", malamig na tanong ni Seige sa'kin ng huminto kami sa paglalakad. Nasa may hallway kami kung saan wala masyadong tao.

"Ano? Hindi ko siya kausap, Seige.", depensa ko sa sarili ko. Narinig ko ang mga mura niya bago niya muli akong hinarap.

"Sa susunod na makita mo siya, umiwas ka.", saad niya. "That asshole. Fuck."

Napatitig ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya. He cursed in front of me. "Ano bang problema mo kay Steve?", tanong ko sa kanya. Naihilamos niya ang palad niya sa mukha niya tapos ay pabalik-balik na naglakad sa harap ko.

"Just.. Just damn avoid him, Nathalie!", napatalon ako hindi dahil sa pagmumura niya kung hindi dahil sa pasigaw niyang pagsasalita.

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. Ilang segundo ang nakalipas bago siya tumingin muli sa'kin at ng magtagpo ang mga mata namin, kaagad na lumambot ang ekspresyon niya.

"I'm.. I'm sorry..", aniya at mabilis na hinawakan ang braso ko.

"Hindi ko alam kung ano'ng problema mo kay Steve, Seige. Ang akala ko basketball lang ang problema niyo. Alam mo, wala naman sa'kin kung magalit ka sa kanya, e. Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit sa kanya ka galit pero ako yung pinagbubuntungan mo.", Kaagad gumuhit sa mukha niya ang guilt. "Hindi kita maintindihan.", mabilis kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya at mabilis siyang tinalikuran.

"Nathalie.."

Mabilis akong naglakad paalis doon. Not now, Seige. Not now...

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now