Chapter 29

1.6K 45 1
                                    

NATHALIE

KINABUKASAN nagising ako ng dahil sa tunog ng cellphone ko. Nakapikit ko pang kinuha iyon para tignan kung sinong nagtext. 

Seige: Good morning, baby. I love you :* May game kami today. You wanna come?

Agad akong napangiti sa text niya. Naalala ko na naman iyong first kiss namin kahapon sa harap ng mga schoolmates namin.

Kaagad ko naramdaman ang pag-init ng pisngi ko, napahawak ako sa labi ko at napangiti. Totoo talaga ito. Hindi panaginip, hindi ilusyon. Seige kissed me yesterday, our first monthsary.

Nagreply ako kaagad sa text niya habang nakangiti pa rin at hawak ng kaliwang kamay ko ang labi ko at ang isa naman ay siyang nagta-type sa iPhone ko.

Ako: Good morning! :)) I love you too! Anong oras ang laro nyo?

Pagkasend ko noon ay wala pang isang minuto ay nagreply na siya. Mukang hinihintay niya talaga ang sagot ko.

Seige: 2:00, after class baby. I'll pick you up. Sabay na tayo pumasok.

Hindi na ako nakapagreply dahil pagkabasa ko ng message niya na susunduin niya ako ay tumuloy na kaagad ako sa banyo. Matagal akong maligo at magbihis, ayoko naman na pag-intayin na naman siya.

Matapos ko na maligo at magbihis ay inayos ko na ang sarili ko. Habang nagsusuklay ako ay naagaw ang atensyon ko noong life-size teddy bear na nasa may gilid ng kama ko. Bigay iyon ni Seige sa'kin kagabi, matapos ang surprise niya sa'kin sa Gym ay ito pa pala ang isa pa niyang surprise sa'kin. Noong ihahatid niya ako ay bigla nalang niya iyong kinuha mula sa backseat ng kotse at ibinigay sa'kin kasama ang isang malaking bouquet ng red roses. 

"Nathalie, nandito na si Seige.", bumalik ako sa alaala ko mula kagabi ng kumatok si Manang. 

"Opo, pababa na!", saad ko at lumabas na ng kwarto ko dala ang gamit ko. 

Pagbaba ko ay naabutan ko siya na nakaupo doon sa sofa sa living room. Hindi siya naka-uniform, naka-khaki pants siya tapos ay simple v-neck white shirt.  Siguro ay hindi na siya papasok dahil baka may practice pa sila ngayong umaga para sa game nila mamayang hapon.

Nang makita niya na pababa na ako ay agad siyang tumayo at sinalubong ako. Hindi ko napigilan na ngumiti lalo na noong ngumiti siya sa'kin saka ako hinalikan sa pisngi.

"I miss you.", bulong niya sa'kin at ipinalupot niya ang kanyang braso sa baiwang ko. 

Napangiti ako sa ginawa niya na 'yun. Unti-unti kasi nasasanay na ako sa mga gesture niya, hindi na ako naiilang. 

"Kaka-kita lang natin kahapon, ah?", natatawang sabi ko at pabirong hinampas ang kamay niyang nasa may bewang ko.

"Na-miss kita agad, baby.", he said tapos ay niyakap ako. Kinilig naman daw ako sa ginawa niya, syempre sino ba ang hindi kikiligin kapag naglalambing sa'yo ang boyfriend mo?

A love letter for you: Letters to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon