Chapter 37

1.3K 41 21
                                    

Pagkarating namin sa Marriott Hotel ay madaming nakaabang na photographer sa entrance nito. Hindi ito ganoon kadami, pero still ay lagpas sa bilang na aking daliri ang bilang nila dito sa labas.

Nang tumapat na ang sasakyan namin sa entrance ng Hotel at agad kaming pinagbuksan ng dalawang lalaki ng pinto ay kaagad niya kaming inalalayan pababa. Habang pababa kami ay sinalubong kami ng mga click at flash ng camera. 

Nang tuluyan na kaming makababa doon ay sumunod na din sa amin si Romeo. Hinagis niya lang iyong susi ng kotse niya sa valet tapos ay pumasok na kami sa loob.

Pagkapasok sa loob ay agad kaming sinalubong ng mga mamahaling furniture doon at mga naglalakihang chandeliers. Hindi ko maiwasan na mamangha, dahil aaminin ko, first time ko ito na makapasok dito. 

"This way please.", nilapitan kami ng isang lalaki at babae at pinakita sa'min ang daan papunta sa function room kung saan gaganapin ang party ni Seige. 

Sumunod kami sa dalawang tao at wala pang limang minuto ay nandoon na kami. Pinagbukas nila kami ng pinto at ganoon na lang ang paghanga ko ng bumungad sa'min ang loob ng hall. Ang ganda ng pagkakaayos at pati na rin ang combination ng kulay itim at gold. Masasabi mo sa isang tingin pa lang na hindi biro ang ginastos sa party na ito.

Pumasok na kami sa loob at kaagad kong natanaw mula sa kinatatayuan namin ang grupo ng mga sikat na model na nag-uusap sa may gilid. Nilibot ko pa ang tingin ko at sa wakas ay natanaw ko ang grupo nila Philip, kasama niya iyong iba pang Falcons na tulad ni Romeo ay naka-tux din.

"Ayon sila, oh. Tara.", yaya ni Romeo at sabay-sabay na kaming naglakad palapit doon sa kung nasaan iyong iba pa naming kasama.

"Wow, look at these gorgeous women.", komento nila ng makita na papalapit na kami.

"Grabe. Ang ganda mo.", agad akong sinalubong ni Philip at itinaas ang kamay para guluhin ang buhok ko kaya agad ko siyang pinigilan.

"Buhok ko.", pabiro ko siyang tinignan ng masama. Natawa naman siya at agad na ibinaba ang kamay at ipinasok sa bulsa ng pants niya.

"Ayun table natin. Let's go. Mag-start na ito, anytime soon."

Sabay-sabay kaming tinungo ang table doon. Dahil sa madami kami ay dalawang table ang inukupa namin dahil hindi naman kami kakasya sa iisang table. 

Habang abala sila sa pag-uusap doon ay gumala na naman ang mata ko para hanapin si Seige. Nasaan na kaya iyon? Dapat ay nandito na siya dahil magsisimula na ang party niya. Habang hinahanap ko siya ay namataan ko ang isang pamilyar na lalake na naglalakad papasok. Wait? Si Steve ba 'yun?

Sinundan ko ng tingin si Steve at nakita ko na panay ang ngiti niya at bati sa mga taong nakakasalubong niya. Nagulat ako ng bigla ay sumulpot si Seige sa harap ko. Kaagad akong napahinga ng malalim ng makita ko siya.

He looks so.. so handsome sa soot niya. Naka three-piece suit siya at nagpa-kulay din siya ng buhok. Kung dati ay itim ang buhok niya, naging blonde na ito ngayon. Tumayo siya sa harap ko at bahagyang ngumiti. Inilahad niya ang kamay niya na kaagad ko naman kinuha. Hinila niya ako patayo at binigyan ako ng halik sa pisngi.

"You look so lovely.", bulong niya sa tainga ko. "Please trust me on this, alright? I love you.", matapos noon ay naramdaman ko ang marahang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Kasunod noon ay ang pagkarinig ko ng mga yapak niya paalis. Napadilat ako at agad siyang hinanap, pero wala na. Nawala na siya sa panigin ko. 

Kaagad kong naramdaman ang pagtapik ni Mary sa balikat ko, tumingin ako sa kanya at iminuwestra niya sa'kin na maupo na ako. Tumango ako at dahan-dahan na naupo pero hinahanap pa rin ng mata ko si Seige.

A love letter for you: Letters to himDonde viven las historias. Descúbrelo ahora