Chapter 38

1.4K 41 16
                                    

Nang umuwi ako sa bahay namin pagkagaling sa birthday party ni Seige ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at nagkulong doon. Matagal akong natulala sa pag-iisip kung bakit naging ganito? Bakit nagkaganito? Noong nakaraang mga araw naman, ayos lang kami. Masaya kami.. Pero ganoon yata talaga, mahirap kapag masyado kang nagiging masaya dahil ang kasunod noon ay lungkot.

Hanggang sa mahiga ako sa kama ko ay nag-iisip ako, hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. Naiisip ko yung mga panahon kung kailan ko siya sinagot, noong mga panahon na sinurprise pa niya ako ng monthsary namin, noong mga panahon na nagkakatampuhan kami pero kaagad din namang naaayos. Habang patuloy na nagpa-flashback sa'kin 'yung mga nangyari sa'min for the past months, isang tanong lang ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko. 'Bakit?' Bakit umabot sa punto na umabot sa ganito? Siya, na-engage sa iba. Bakit? Bakit siya pumayag? Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba ako lang?

Patuloy ako sa pagtatanong sa sarili ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. 

Kinabukasan ng nagising ako ay ramdam na ramdam ko ang pamimigat ng mata ko, ramdam na ramdam ko rin ang pamamaga nito. Bumangon na ako sa kama ko at hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa mata ko kasabay ang pagtingin sa cellphone ko na nasa tabi ko para i-check kung may message doon si Seige, pero bigo ako. Ni isang text o miss call manlang ay wala.

Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako ngayong last day namin. Sa huli ay dumiretso din ako sa banyo ko para mabilisang maligo at magbihis. Ni hindi ako nag-abala na tingnan ang sarili ko sa repleksyon ko sa salamin. Pagkatapos ko na magbihis ay bumaba na ako. Medyo nagulat pa ako ng maabutan ko si Mommy at Daddy na parehas na nakaupo sa dining table. 

"Morning, My, Dy.", bati ko at tahimik na naupo sa upuan ko at nanatiling nakatitig lang sa plato kong wala pang laman. 

Namagitan sa amin ang mahabang katahimikan bago ko narinig ang tunog ng upuan. Napatingala ako at nakita na tumayo si Mommy sa upuan niya at lumabas ng dining room. Bumalik ang tingin ko sa plato ko at dahan-dahan iyong nilagyan ng laman. 

"Are you okay?", napatigil ako sa paglalagay ko ng pagkain sa plato ko ng magsalita si Daddy. Binitawan ko ang serving spoon at saka umayos ng upo at hinarap siya.

"Okay lang po ako.", sagot ko sa kanya. Alam ko na alam nila Daddy at Mommy ang tungkol sa engagement ni Seige. Hindi ako magtataka kung sa Lola ni Seige nila mismo iyon nalaman o baka nabasa lang nila sa Dyaryo.

Matapos ng tanong na iyon ni Daddy ay hindi niya na ako muli pang tinanong hanggang sa nakaalis na ako sa bahay. 

Nang makarating ako sa University ay ramdam na ramdam ko kaagad ang titig ng mga schoolmates ko sa'kin, papasok pa lang ako ng building namin. Tulad ng madalas kong gawin ay hindi ako nag-abala na tingnan manlang silang lahat.

"Grabe, kung ako sa kanya hindi na ako papasok ngayon."

"Her boyfriend is engage with someone else. Ewan ko kung ano'ng mararamdaman ko kung sakaling mangyari sa'kin 'yun."

A love letter for you: Letters to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon