Chapter 27

1.7K 45 2
                                    

Monday ngayon at kasalukuyan ako na naglalakad papunta sa Canteen. Break kasi namin at hindi makakasabay sa'kin si Seige dahil may practice sila ng basketball, 'yan tuloy! Mag-isa ako.

Pagkapasok ko ng canteen ay hindi na ako nagtaka na halos lahat ng babaeng nandito ay nasa akin ang mata. Ganun ang nangyari mula ng maging kami ni Seige, palagi na lang may tumitingin sa'kin na para bang binabantayan lahat ng galaw ko. Yun bang tipo na hinihintay kung kailan ako magkakamali para matira nila ako.

"Nathalie!", napatingin ako sa gilid ko ng may sumigaw noon. Si Patricia, nakaupo siya sa table hindi kalayuan sa kinatatayuan ko at siya lang mag-isa. Nakita ko na mula sa'kin ay lumipat ang tingin ng mga babae sa kanya.

Ngumiti ito sa'kin at kinawayan ako, kaya naman lumapit ako sa kung nasaan siya. 

"Hi, wala ka kasabay kumain? Sabay na tayo!", masayang sabi niya sa'kin. 

Dahil no choice na din naman ako dahil wala na din naman other vacant seat, at muka naman enjoy siya kasama ay pumayag na ako. 

Habang kumakain kami ay kwento siya ng kwento. Hanggang sa matapos kami kumain ay kinu-kwentuhan niya ako. Natutuwa nga ako sa kanya, muka kasi siyang inosente at nakakatuwa pa iyong mga kwento niya.

"Uhm.. Saan ang classroom mo?", tanong niya habang paakyat na kami. Pabalik na kasi kami sa mga klase namin at magkasabay pa rin kami hanggang sa pag-akyat.

Siguro naman ay hindi masama kung ituturo ko sa kanya? "Sama ka sa'kin.", anyaya ko sa kanya sa classroom namin. Muka naman natuwa siya dahil ngumiti siya kaagad at pumayag.

Nang dumating kami sa classroom ay wala pang gaanong tao siguro ay kumakain pa sila, kaya naman inaya ko siya sa loob ng classroom namin.

"Pasok ka.", anyaya ko sa kanya sa loob ng room namin. "Wala ka ba klase?", tanong ko. Baka kasi mamaya ay nagcu-cutting pala siya, though wala naman sa itsura niya na ganoong tao siya, you know, yung mahilig mag-cutting.

"Wala, 2 hours ang break ko.", nakangiti niya na sabi habang nakasunod sa'kin. Papunta kasi ako sa may upuan ko eh.

Umupo na ako sa upuan ko, siya naman ay umupo doon sa upuan na nasa tabi ko, which is Seige's seat. Nako, patay ako kapag nakita 'non na pinaupo ko si Patricia dito, ayaw pa naman noon na may ibang nauupo sa upuan niya.

"Ah.. Sweet niyo ni Seige.", habang nagku-kwentuhan kami ay bigla niya nasabi. Ang topic kasi namin ay tungkol sa amin ni Seige, nagpapa-kwento kasi siya ng kung ano ang ugali ni Seige, kung sweet daw ba ito, kung mabait daw ba, etc.

Nangiti ako at napayuko. "Sweet siya, eh. Sobrang sweet. Muka lang siyang masungit pero mabait 'yun. Sweet pa.", saad ko sa kanya. Bahagya siya tumahimik at ngumiti.

"Nakakainggit naman..", rinig ko na bulong niya. Huh? Nakakainggit?

"Ha?", natanong ko sa kanya. Bigla naman ay parang nagulat siya tapos ay ngumiti at umayos ng pagkakaupo. Bakit?

A love letter for you: Letters to himWhere stories live. Discover now