Chapter 12

2.4K 53 3
                                    

Hi Mr. Ford, balita ko montik ka na mapaaway kahapon sa game nyo kalaban yung kabilang school ah? Well, di naman kita iniistalk.. Hmmm. Sige na nga, medyo lang. Slight lang. :)) Btw, buti napigilan ka kung hindi baka nagkagulo lang lalo. I can see na medyo humahaba na yung pasensya mo, nakakatuwa kasi dati-rati konting may hindi ka lang magustuhan, bugbog kaagad, pero ngayon nakokontrol mo na yung sarili mo! Sana, sa paglipas ng mga araw, makita ko na din yung dating ikaw. Smile, smile ka din minsan. ;))

From: Unknown

 

♔♔♔

NATHALIE's POV

Amp lang! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Alam nyo ba kung anong nangyayari? Eto lang naman ako sa may field at buryong buryo na. Paano ba namang hindi ka mabuburyo, halos isang araw ko ng hindi nakikita si Seige, ni anino niya hindi ko makita.

Teka nga, anong araw ba ngayon? Tuesday? Tuesday ba ngayon?! Dapat talaga hindi na ako pumasok! 

Bakit?! Alam nyo ba naman na tuwing tuesday laging absent si Seige, hindi ko alam kung bakit pero lagi yon, walang mintis. Every tuesday wala siya. Ni sa practice wala siya. -_-

"Ang mukha, wag masyong mukang lugi, baka mahalata. Hmm." tinignan ko ng masama ang babaitang ito na nasa gilid ko, kumakain siya ng peanuts. Tigyawatin sana ito!

"Tigilan mo ako bes ah, badtrip nga ako eh. Maya't-maya na lang, tuwing tuesday na lang!", reklamo ko sa kanya habang nakapangalumbaba. 

"Ano nga bang ginagawa non?"

"Magmumukmok ba ako ng ganito kung alam ko kung ano'ng pinag-gagagawa niya! Kainis naman!", maktol ko pa.

"Ba't di mo istalk..". sabi niya sabay nguya ng peanuts. Binatukan ko nga! "Aray! Namumuro ka na sakin ah!"

"Istalk ka jan, alam mo ang beauty ko hindi pang istalk yan!" This time ako naman ang binatukan niya. "Letche ka! Problema mo? Hahaha!"

"Lakas hangin dito eh, kalma tayo minsan ha?", pambabara niyang sabi sakin. Pwet niya! nagsasabi lang naman ako ng totoo eh!

"Yo ladies!", napatingin kami ni Maria sa kakadating lang na mga grupo ng lalaki, which is kasama sina Lou at Sey pati si Philip.

"Yo be!", bati ni Philip.

"Oy, musta?!" bati ko naman pabalik sa kanila. Isa-isa na silang nag-upuan sa may bench na katabi lang ng inuupuan namin ni Maria. Yung iba sa bench namin naki-share.

"Pre, anong be? Bibe? Pffft.. Hahaha!", biglang tanong nung lalaking mukhang pancit canton yung buhok, kulot-kulot kasi. Pfff.

"Tangin@ mo Yol!", sigaw ni Philip sa kanya

A love letter for you: Letters to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon