MWR#19

19.2K 261 10
                                    

May dumating na mail kahapon, August 1. YEY!! 

Nawa'y masuportahan niyo ang istoryang ito dahil bukod sa story ni Lucas at Gabbie pati na nung mga one shots ko ay ito yung pinaka-masakit para sa akin. Naaawa kasi ako kay Ethan T_______T

Lezzzz goooo!! 

VOTE-COMMENT-BE A FAN/FOLLOW ME! 

JOIN THE FACEBOOK GROUP :) Link is on my profile ;) Or seach niyo nalang 'ModernBinibini's Stories' 

Enjoooooooooooooooooooooooy ~

May favor ako guys, binilang ko kasi iyong number of pages nito at nasa 20/58pages na ang pages niya dapat. Hindi ko alam kung ako ang mali o si Watty. Kasi 20/39pages palang sa kanya. I dunno, can you help me guys? T___T nag-aalala ako e. Salamat sa tutulong :) 

----------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 19

Sabrina’s POV

Halos ilang araw na rin simula ng dumating si Lea dito upang makitira pansamantala at laking pasalamat ko dahil so far so good naman ang samahan ng asawa’t kaibigan ko. Kahapon din ay nanggaling si Atty. dito para sabihin sa amin iyong progress noong adoption namin kay Baby Lyon. Kahit na medyo malayo pa bago tuluyang maging legal na anak si Lyon ay inaasikaso na agad ni Ethan iyong binyag niya.

Excited siya dahil syempre anak niya iyong bibinyagan, sa pagkakaalala ko ay dalawa palang ata ang napupuntahan naming binyag noon. Madalas kasi kaming kunin na magkapareha para sa isang bata kaya naman tuwang-tuwa si Ethan habang iniisip niya iyong mga gusto niyang mangyari sa binyag ng anak namin.

Hindi ko rin naman maitago ang kaligayahaan ko habang iniisip kong bibinyagan namin iyong anak na hindi naman talagang nanggaling sa amin pero wala naman iyon dahil simula ng makita namin iyong bata sa tapat ng bahay namin ay agad na namin itong minahal. Darating din naman iyong time na ipapaliwanag at sasabihin sa kanya iyong katotoohanan.

My Wife's Regret(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon