MWR#18

19.5K 257 3
                                    

Hi guuyss! Medyo mahaba itong Author's note ko kaya pasensya na :))) 

 

Una, salamat sa mga taong nagbasa, nagbabasa at magbabasa palang nitong kwento ni Ethan at Sabrina. Gusto kong malaman niyo na kung may mali man akong nasusulat ay open ako sa mga comments niyo. Gusto ko ring malaman niyo na hanggang 25 or 30 chapters lang ito. Sana katulad nila Gabbie at Lucas ay maging marami rin ang reads, votes at comments ng istoryang ito. 

Speaking of Gabbie and Lucas, Thank you guys kasi kahapon JULY 29, 2014 it reached 2 million reads!! Tuwang tuwa ang mag-asawang Alvarez dahil bukod sa mapupublish na iyong istorya nila ay hindi nila inakalang aabot ito ng 2 milyon, kasi noong May 10, 2014 naka-1 million reads iyon kaya hindi nila expected. 

Pangalawa, guyssss!! Sorry kung pinapasukan ko ng kung anu-anong ideya/istorya itong kwento, tapos ko na kasi itong buuin sa utak ko at iniintay ko nalang na dumating ako sa chapter kung kailan ko isusulat iyong nasa utak ko. Salamaaaaaat guys!! 

Pangatlo, sana masuportahan niyo po itong istorya nila. Sana po, pati iyong istorya ni Asher at Ina(Her Paid Husband), pati na yung kay Jewel(A Mistress' Side). Sanaaaa!! 

Pangapat, sana makasali po kayo sa group!! Click niyo lang iyong link doon sa profile ko. :"> 

Panglima, maraming maraming salamat sa lahat ng suporta guys!! FIGHTING!! 

ENJOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY ~        

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 18

Sabrina’s POV

Kinabukasan pagkagising ko ay agad bumungad sa akin ang mukha ng mag-ama kong nakaupo sa may kama at nagkukulitan. Napangiti agad ako sa nakita ko dahil talagang alagang alaga si Ethan sa anak namin. Alam at ramdam kong kahit na hindi nangaling mismo sa kanya iyong bata ay talagang pinadadama niya ritong mahal na mahal niya ito.

Siguro iyon din ang dahilan kung bakit ko masyadong minahal si Ethan noon. Hindi niya pinadadama sayong iba ka, at talagang lahat ng pagmamahal niya ay bibigay niya sayo kahit na wala ng matira para sa sarili niya. Iyong pagmamahal niya para sa akin ay hindi ko kayang pantayan sa simpleng pagstay ko lang sa tabi niya, kasi iyong pagmamahal niya para sa akin ay hindi kayang higitan ng kung sino man.

My Wife's Regret(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora