MWR#14

18.3K 281 8
                                    

Short updaaaaaaaaaaate :) 

Kapag sumali kayo sa facebook group(external link or about me), ippost ko yung chapter 15. HAHAHAHAHAHAHA 

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 14

 

Sabrina’s POV

 

It’s been 1 month since the day he left me and wala paring balita iyong mga private investigators na kinuha ko nawawalan na ako ng pag-asa na makita at makasama pa ulit siya pero may kung ano talaga ang pumipigil sa akin para hindi gawin iyon. Iyong pagmamahal ko sa kanya ang sigurado akong dahilan kung bakit kahit isang buwan na ang nakalipas ay hindi parin ako sumusuko.

 

“Nakita niyo na ba siya?” tanong ko sa mga private investigators na kaharap ko. Halos paulit-ulit nalang ako palagi ng taong sa kanila pero palaging ganun parin iyong sagot nila. Pakiramdam ko ay may tinatago sila. Hindi ko alam kung ako lang ba o feeling ko lang pero naniniwala akong nakita na nila si Ethan pero parang ayaw lang nilang umamin sa akin. Pagkatapos nilang sumagot ay alam na nila ang dapat nilang ginagawa. Umalis na sila at naiwan na naman ako kasama si Lea.

 

“Bakit hindi mo kaya sila sundan? Malay mo tama iyang hinala mo” suhestiyon ni Lea sa akin. Nakwento ko kasi sa kanya kahapon ang tungkol doon sa hinala kong nakita na nila si Ethan pero ayaw nilang sabihin sa akin iyong totoo.

Dahil sa sinabi ni Lea ay hindi na ako nagdalawang isip na sundan iyong mga private investigators na kinuha ko. Agad kaming bumaba sa parking lot at laking pasalamat namin ng maabutan namin iyong mga private investigators na pasakay palang sa kanilang sasakyan. Nang makasakay sila ay sumakay na rin kami ni Lea sa sasakyan ko na kabibili lang noong isang araw ng magaling kong ama.

Agad kong inistart iyong kotse at mabilis na sinundan iyong sasakyan nung mga private investigators. Ilang oras pagkatapos namin silang sundan ay napansin naming palabas kami ng manila, kung hindi ako nagkakamali ay itong daan na tinatahak namin ay papuntang baguio. Hindi kaya mula noong umalis si Ethan ay nandito lang siya?

Pagkatapos ng mahabang byahe ay nakita kong tumigil iyong sasakyan sa isang simpleng bahay bakasyunan na may magandang view, nagpark kami sa hindi kalayuan at doon ay nagmasid sa mga susunod pang mangyayari.

Maya-maya pa ay bumaba na iyong mga private investigators at doon nakita kong pinagbukasan sila ng isang matandang lalaki. Nang makita kong pinagbuksan sila nito ay sinabihan kong bumaba kaming dalawa ni Lea. At dahil nacurious ako sa kung sino ang pinuntahan nila dito ay nagpunta kami malapit doon sa bahay.

My Wife's Regret(COMPLETED)Where stories live. Discover now