MWR#15

20.7K 328 20
                                    

No classes tomorrow in Cavite.  :) Nagenjoy si Gov. Pogi mag-suspend ng class :))) 

"For the first time, Cavite Students are all in denial about the suspension of classes tomorrow"  - Gov. Jonvic 

 SHORT UPDAAAAAAAAAATE :) 

Join po kayo sa group - click the external link :) 

Dedicated po sa kanya ~

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 15

 

Sabrina’s POV

“Sab…”

Nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko ay para akong nanghina. Halos ilang linggo kong inasam na marinig ulit mula sa kanya iyong pangalan ko. Ilang linggo ko lang siyang hindi nakita pagkatapos ito ang makikita kong kalagayan niya.

“Ethan…”

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Gusto ko siyang sigawan, sumbatan at kung anu-ano pa. Gusto ko siyang tanungin kung bakit at kung ano ang nangyayari sa kanya. Pero hindi ko alam kung papaano sisimulan.

“Bakit? Anong nangyayari sayo? Bakit ka nakaganyan?”

“Umuwi ka na Sab. Wala kang mapapala rito” sagot nito sa akin

“Hindi ako uuwi ng hindi ka kasama. Hindi ako uuwi hangga’t hindi mo sinasabi ang totoo”

“Wala akong sasabihin sayo Sabrina”

“Ginagago mo ba ako Ethan?! Naka-wheel chair ka! Ang laki ng ipinayat mo sa loob ng ilang linggo, tapos ang putla mo! Anong ibig sabihin niyan Ethan?!” sinusubukan kong maging kalmado pero iba talaga ata ang takbo ng utak ni Ethan at hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito.

My Wife's Regret(COMPLETED)Where stories live. Discover now