MWR#3

26.9K 394 15
                                    

VOTE-COMMENT-BE A FAN :) 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ethan’s POV

Maaga akong nagising at pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para magluto ng pagkain namin ni Sab. Pero katulad parin ng dati, hindi siya kumain at nagpunta na agad sa university. Ilang buwan na rin simula ng ikasal kami ngunit wala paring pagbabago, nakakapanghina ng loob pero wala akong magagawa. Mahal ko eh.

(A/N: Martyr much?)

Wala kang magagawa author, mahal ko si Sab saka kahit masakit go lang.

(A/N: K)

Nagpunta na ako sa university pagkatapos kong ayusin ang bahay, pagdating ko sa university sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko. Kaibigan kong alam ang totoong pangyayari sa buhay namin ni Sabrina.

“Yow!” bungad ni Yohaan pagkakita ko sa kanila. Tumango lang ako at umupo sa tabi ni James.

“Siya parin ba?” tanong niya. Pero mas pinili kong manahimik dahil alam nilang siya lang ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

“That’s okay bro” sabi naman ni Jake. Silang tatlo ang best buddy ko since kindergarden. Mga sira ulo yan pero maasahan mo yan sa oras ng pangangailangan at hindi ka nila bibiguin.

Nagpunta na kami sa room para sa class namin. Dalawang linggo nalang at gagraduate na kami, pero si Sabrina isang taon pa saka siya makakagraduate. Tapos na rin kaming kunan ng picture, tatlong shoot ang ginawa namin. Isang naka-barong, isang creative style, at isang naka black toga. Nahirapan kaming mag-isip ng concept naming 4 para sa creative style kasi gusto naming maiba dun sa iba, pinapili kasi kami kung gusto naming individual or group. Since college na naman kami, mas pinili na namin ang group para sa creative style kasi individual na naman ang barong and toga.

Sa loob ng halos 2 buwang pagsasama namin ganun parin. Aalis siya ng maaga, uuwi siya ng gabing-gabi. Yung uwing parang walang asawang nag-iintay sayo sa bahay tapos uuwi ka ng may kasamang lalaki na wala pang ilang oras ay uuwi na dahil malamang ay nakapagparaos na siya sa katawan niya. Hindi naman sa ano pero hindi na ako magtataka kung isang araw, bigla nalang siyang magsusuka at maghahanap ng pagkain tuwing madaling araw tapos ano pagkatapos ng siyam ba buwan may anak na siya sa ibang lalaki? Wow lang kasi ako yung asawa pero hindi ko pa siya nagagalaw ni minsan dahil mataas ang respeto ko sa kanya.

My Wife's Regret(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora