MWR#17

20.2K 300 11
                                    

Nasa schooooooooooooool ulit ako :)))) 

Maraming salamat po doon sa mga nag-vvote at nag-ccomment sa last chapter. Maraming salamat din po doon sa nag-ffollow sa akin ^^

Sali kayo sa facebook group! :) Click the external link ;) 

A/N: Maraming foul words so yeah, sorry :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 17

Sabrina’s POV

Kinaumagahan ay agad kong tinawagan iyong kakilala kong kaibigan kong kapapanganak palang. Sa pagkakatandan ko ay nasa dalawang buwan palang noong manganak siya. Agad kong sinabi kung puwede bang makihingi ng milk niya dahil kailangan lang din ng anak ko.

Hindi naman siya nagdalawang isip na bigyan ako at sinabi niya na kunin ko nalang doon. Sinabi kong ipapakuha ko nalang sa driver namin dahil hindi ako puwedeng umalis ng bahay dahil darating iyong abugado namin. Pumayag naman siya at ngayon ay on the way si Mang Pedro papuntang Manila upang kunin iyong gatas ni baby.

Maaga akong nagising kaya naman tinulungan ko ng maghanda si manang ng umagahan. Iniwan kong tulog na tulog iyong mag-ama sa kwarto. Tabi-tabi kaming natulog kagabi, nagulat nga ako dahil tuloy-tuloy iyong tulog ko pati ni Ethan. Nasa gitna namin iyong baby kaya naman mukha talaga kaming isang pamilya.

Pagkatapos kong tulungan si Manang maghanda ng almusal ay nag-asikaso muna ako ng sarili ko. Pagkalabas ko ng cr ay nakita kong naiingit na iyong baby kaya naman ng matapos akong magbihis ay kinuha ko muna siya para palitan iyong diaper niya at binigyan ko na rin ng formulated milk, nang matapos ko siyang palitan ng diaper at padedehin ay ibinalik ko na siya sa tabi ng papa niya pero hindi na siya natutulog pa.

Kinukulit niya nalang iyong papa niya, natawa ako dahil pilit niyang inaabot ang mukha ng papa niya kahit na hindi niya abot. Mukhang naramdaman naman ni Ethan na gising na ang anak niya kaya naman tuluyan na rin siyang nagising. Pagkamulat niya ay hinalikan niya muna ako at iyong bata saka siya nagsabi pupunta siya ng cr para magasikaso ng rin ng sarili.

Kayang asikasuhin ni Ethan iyong sarili niya, iyon ang nalaman ko. Minsan lang siyang dumipende kay Manang kaya naman kahit na gusto ko siyang tulungan minsan ay sinasabi niyang kaya niya na daw. Pagkatapos niyang magasikaso ng sarili ay nagpatulong siya upang bumaba at nang makakain kami ng umagahan ng sabay-sabay.

My Wife's Regret(COMPLETED)Where stories live. Discover now