MWR#8

19.3K 295 10
                                    

Hi! :)))) Long time, no Update. Sorry guys! :))) Ang dami kasing nangyari nitong mga nakalipas na araw at hindi ko na alam kung anong uunahin ko. HAHAHAHAHA Eto pambawi, short update. 

P.S. Sorry sa mga chorvang salita. 

P.P.S. Mabilis ang flow ng story. Hindi ito detalyado, saka ko nalang siya gagawing detalyado kapag na-edit ko na si TSGaTCP. :) I hope maintindihan niyo.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 8 – Puerto Galera

Ethan’s POV

Sa buong duration ng stay namin sa White Beach ay talagang nag-enjoy kami sa mga iba’t-ibang activities nila na talagang mararamdaman mo ang kasiyahan kahit na panandalian lang. Sa totoo lang, madami akong stolen shots ni Sab habang nag-eenjoy sa mga activities dito. Sumasama ako sa ilang activities pero hindi ako pwedeng magpakapagod dahil alam ko namang bawal sa akin iyon.

May bar dito pero ni minsan hindi ko nakitang nagpunta doon si Sab. Ang madalas niyang puntahan ay ang seaside at yung balcony. Natutuwa nga akong pagmasdan siya ng patago, minsan kasi ay pupunta siya doon kapag alam niyang tulog na ako pero sa totoo lang ay pinakikiramdaman ko rin siya.

Kapag andoon siya ay nakikita ko yung dating Sabrina na minahal ko, yung babaeng makita lang ang buwan at bituin ay walang paglagyan ang kasiyahan. Yung babaeng mapunta lang sa isang nakakarelax na lugar ay talagang mahahawa ka sa nararamdaman niya.

Hindi ko alam pero sa 5 araw na pamamalagi namin dito ay ramdam na ramdam kong unti-unti ng bumabalik yung dating Sabrina na minahal ko. Ang dating Sabrina ko.

Sabrina’s POV

Fvck! Naaiirita ako! Andito ako ngayon sa resort kung nasaan ang mga kaibigan ko. Huling araw na namin ito sa Puerto Galera kaya naman kailangan kong alamin ang sunod na plano nila. Oo, sila ang nagsasabi kung ano ang dapat kong gawain.

“Are you fvcking out of your mind?! Sa loob ng 4 na araw wala na akong ibang ginawa kundi ang ipakita sa kanya ang dating Sabrina!” hindi ko napigilang sumigaw sa sinasabi nila.

My Wife's Regret(COMPLETED)Where stories live. Discover now