MWR#11

19.7K 328 21
                                    

Short update. Sorry natagalan. HAHA Naging busy ako sa pagiging fangirl kay GOT7. Tapos napaka-daming pinagagawa sa amin. Jusme! Hindi kami pina-uuwi ng professors namin ng walang gagawin. 

ENJOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY!! 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 11

Ethan’s POV

Maaga akong nagising para hindi na ako maabutan ni Sabrina na paalis na dito sa bahay namin ng permanente. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang maging reaksyon pero isa lang ang nasisigurado ko, magiging masaya na siya dahil saw akas ay makakalaya na rin siya sa akin. Alam kong simula palang noong umpisa ay iyon na ang hinahangad niya kaya naman eto na yung point na mangyayari na iyong kagustuhan niya.

Maingat na inilagay ng driver ko ang mga maletang dala ko, tanging iilang piraso lang ng damit ang dala ko. Sa pagkakatanda ko ay sapat lang ang dala kong damit sa linggo na itatagal ko. Maliit ang tiyansang gumaling ako kaya naman hindi ko pinanghahawakan iyon. Dahil kapag gusto Niyang kunin na ang pinahiram Niyang buhay sayo ay wala kang magagawa kung hindi tanggapin nalang iyon.

Tanggap ko na naman sa anytime ay kukunin Niya ang buhay ko. Bago ako tuluyang umalis at iwan ang lahat ay bumalik muna ako sa kwarto kung saan siya mahimbing na natutulog. Umupo ako sa dulo ng kama niya na malapit sa kanyang ulohan at saka nagsalita.

“I love you and I’ll miss you” sabi ko at saka hinalikan siya sa kanyang noo at tuluyan ng umalis ng kwarto niya bago pa siya magising.

**

Pagkatapos ng ilang oras na byahe ay nakarating rin ako sa lugar kung saan ko piniling magtago at intayin ang aking oras. Pagkadating ko sa rest house namin dito sa Baguio ay agad akong dumiretso sa kwarto at humiga. Parang hapong hapo ako dahil sa haba ng byahe namin at siguro ay dahil narin sa antok.

Hindi alam ni Sab na may resthouse akong binili dito sa Baguio ilang buwan na ang nakakaraan. Sa pagkakatanda ko ay binili ko ito matapos kaming ikasal. Noon palang ay naisip ko ng dito ko gustong magpahinga kung sakaling darating ako sa ganitong oras. Hindi rin alam ng magulang at kaibigan ko ang tungkol rito pero sasabihin ko rin agad sa kanila kapag nakapag-pahinga na ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising nalang ako ng bandang alas-kwatro ng hapon. Pagkagising ko ay agad akong nakadama ng gutom kaya naman laking pasalamat ko ng may nakahanda na palang pagkain sa lamesa pagbaba ko.

My Wife's Regret(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon