MWR#4

24.4K 357 15
                                    

Short yet nakaka-ewan na chapter! :) 

VOTE-COMMENT-BE A FAN :) 

Saan magandang magstudy ng Journalism? I'm planning to transfer school. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4

Sabrina’s POV

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, dumapa ako sa kama at doon umiyak. Ang kapal ng mukha niya! SOBRANG KAPAL! LETCHE!! Sumosobra na siya sa pakikielam sa buhay ko! Ang kapal ng mukha niyang ipahiya ako sa bar at ang lakas ng apog niyang ipagsabi sa iba na asawa niya ko. Akala mo kung sinong magaling! Damn him! Hindi pa ba siya masaya sa ganitong itsura ng buhay ko? Napakawalang kwenta niyang tao.

Lumabas ako ng kwarto dala ang gamit ko at ilang damit, doon na muna ako sa condo ko pupunta. Hindi niya alam ang address non dahil kabibili ko lang iyon last week. Hindi rin niya alam na may pera akong pambili non, mayaman ako at kaya kong bumili non ora mismo. Miski kaluluwa niyang walang kwenta kaya kong bilhin, kayang kaya ko siyang pabagsakin kung tutuusin.

Sinilip ko muna ang kwarto niya wala naman akong narinig na kahit ano kaya naman lumabas na ako dala ang gamit ko. Habang nasa kwarto ako ay tinawagan ko na sila Pia na sunduin at dalhin nila ang sasakyan ko, naiwan ko kasi ang pouch ko sa table namin dahil sa pagkaladkad sa akin ng magaling kong asawa. Pagkabukas ko ng gate ay nasa harapan na agad sila ng bahay, mabuti nalang at medyo may nagkakasiyahan sa tapat kaya naman hindi masyadong rinig ang tunog ng sasakyan nila.

“Diretso tayo sa condo ko” sabi ko sa kanila tapos pumasok na ako sa sasakyan ko at nagdrive na papunta sa lugar kung nasaan ang condo ko. Pagkarating doon ay umakyat agad kami sa loob ng unit ko. Penthouse unit ang kinuha ko dahil gusto kong gastusin ang pera ko. Wala kasi akong mapaglagyan kaya hangga’t kaya kong gastusin, gagastusin ko. Masyadong marami ang pera ko kaya hindi ito agad agad mauubos, kahit siguro bumili pa ako ng 10 pang unit dito ay hindi pa siya mangangalahati.

“Bumili pala ako ng drinks kanina” sabi ni Lea pagkaupo niya tapos nilapag niya ang binili niyang drinks.

“Asan na ba sila?” tanong ko sa kanila kasi wala pa si Mia, Pia at Zia dahil dumaan daw muna ang tatlo sa condo nila para kumuha ng damit.

My Wife's Regret(COMPLETED)Where stories live. Discover now