MWR#5

24.2K 323 22
                                    

Matapos lang ang Finals, babawi ako. :) 

VOTE-COMMENT-BE A FAN :D 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 5

Sabrina’s POV

Alas-syete na ng gabi ng matapos ng klase namin at nakita kong nag-aabang na sa tapat ng classroom namin ang dakila kong asawa. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko at nagkibit balikat nalang ako dahil ang alam kong sinabi ko sa kanya ay sa may tapat ng gate niya ako intayin.

“Andiyan na pala ang iyong ‘oh-so-loving-husband’” sarkastikong sabi ni Mia na siya namang ikinatawa nung tatlo. Hindi ko alam kung maiinis ba ako kay Ethan dahil sa hindi niya pagsunod sa sinabi ko kanina o matutuwa dahil sa halip na sa gate niya ako intayin ay talagang nag-abala pa siyang sunduin ako dito mismo sa classroom namin.

“Shut up girls” sabi ko sa kanila at naglakad na palabas ng room.

**

“Hi” bati ko kay Ethan ng makalapit ako sa kanya.

“Hi. Kamusta?” tanong nito sa akin at kinuha ang mga dala kong mga folders at mga papers na dapat kong pag-aralan dahil malapit ng matapos ang ikaapat na taon namin sa kolehiyo. Isang taon nalang at matatapos na rin kami sa kursong Accountancy.

“Ayos lang” sagot ko rito. Nagumpisa na kaming maglakad at hindi na ako nag-abalang magpaalam sa mga kaibigan ko dahil alam naman nila na isang malaking palabas lang naman ang akin ginagawa. Isang malaking palabas na sobrang ikinatutuwa ko dahil nakikita ko sa kanya na tuwang tuwa siya sa nangyayari.

Nang makarating kami sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at saka pinasakay, pero bago pa siya pumunta sa driver’s seat ay inayos niya muna ang seatbelt ko. Dahil sa ginawa niya ay naamoy ko ang pabango niya at tila may kung anong natamaan sa akin na parang nagsasabing napaka-manly ng pabangong gamit niya.

 

My Wife's Regret(COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz