MWR#9

20.1K 294 15
                                    

HAHAHA Updateeeeeeeeeeeee dahil birthday ko na bukassssssss <3 HAHAHAHAHAHAHA Happy 18th Birthday to me <3 

Hi? Wag pong magulat kung mabilis ang mga pangyayari. Gusto ko na itong tapusin bago magsimula ang 2nd semester dahil ipopost ko na iyong story ni Asher ng mga ganung panahon. :D Next update ko ay nasa Cebu na sila :)) Sorry po kung mabilis.

P.S. Happy 18th Birthday to my friend DonnaBells(Highschool Friend). HAHAHA Opo, magkasunod kami ng birthday. Siya, May 8. Ako, May 9. Tapos yung Tita ko(father's side), May 10. HAHAHAHA

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 9 – Ilocos

Ethan’s POV

Tanghali na ng makadating kami dito sa Ilocos. Sa pagkakaalam ko ay andito kami sa Ilocos Norte, tapos pagkatapos ng ilang araw ay pupunta naman kami sa Ilocos Sur. Iyon ang plano ni Sab dahil gusto niya daw masulit ang bakasyon namin at gusto niyang mapuntahan ang mga magagandang lugar dito sa Ilocos.

We’re here in Fort Ilocandia Beach Resort and Hotel naka-check in dahil sampung minuto lang ito mula sa Laoag International Airport. Tulad noong nasa Puerto Galera kami ay isang hotel room ang kinuha namin na may dalawang bed. Wala namang problema sa akin iyon dahil tulad nga ng sabi ko ay malaki ang pag-galang ko kay Sab.

“Ethan” napadilat ako ng marinig kong tinawag ako ni Sab. Nakahiga kasi ako sa kama dahil sa pagod at puyat. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahil madaming natakbo sa isip ko.

“Hmm?” sagot ko rito at nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya naman umayos ako.

“Gusto mo na bang maglibot?” tanong nito

“Ayos lang naman kung ayaw mo ako nalang mag-isa” sabi niya. Ganyan si Sabrina noon, kapag dadating kami sa isang lugar ng umaga o kaya ay tanghali, gusto niya na agad mag-libot. Maliban nalang kung gabi kasi mas gusto niya pang matulog at magpahinga katulad noong ikinilos niya noong nasa Puerto Galera kami.

“Sasama ako Sab. Teka lang” sabi ko at kinuha ko ang dslr na nasa loob ng bagpack ko.

My Wife's Regret(COMPLETED)Where stories live. Discover now