Chapter XLV - Friends and Siblings

Start from the beginning
                                    

Bumosina s'ya ng ilang beses nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila habang ako naman ay hindi mapakali sa pagkakaupo ko dito. Lingon ako ng lingon sa paligid.




Hindi rin masyadong nagbago ang lugar nila. Though nakatira naman kami ni Caleb sa parehong village, malayo-layo ang street nila sa street namin. Malaki kasi ang village na 'to kaya medyo malayo pa, pero pwede mo namang lakarin kung sinisipag ka.





Hindi ko nadadaanan itong street nila tuwing umaalis ako dahil sa dulo ito banda at wala naman akong pinupuntahan malapit do'n. After four years, ngayon ko lang ulit nakita 'tong lugar na 'to.








Bumalik ako sa katinuan nang biglang bumukas ang pinto ng kotse sa likod at pumasok na si Caleb.





Nag-uusap lang sila ni kuya habang bumabyahe. Gustong-gusto ko nga silang sawayin dahil baka hindi makafocus si kuya sa pagdadrive pero hindi ko magawa. Nahihiya akong sawayin sila.







Nang makarating na kami sa beach na pinili ni Mary at makababa na ako ng sasakyan, inistretch ko ang buong katawan ko dahil sa haba ng byahe.





Malayo itong lugar na 'to. Pero masasabi ko na maganda nga dito. Malamig ang simoy ng hangin lalo na't palubog na ang araw.





Sinalubong kami ni Mary, Axl, at Harmony na nakasuot na agad ng bikini n'ya na pinatungan lang n'ya ng cover-up n'ya.




"'Sup, bish? I missed you!" Malakas na sigaw ni Harmony at tumakbo papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.







I missed you more, Har. Sasabihin ko sana ang mga katagang iyan but instead at pinikit ko nalang ang mga mata ko habang dinadama ang mahigpit n'yang yakap.






"Oh, tara na! Tama na ang drama. Pumunta na tayo sa tutuluyan natin." Ani Mary.








Pumunta kami sa isang hotel sa tabi ng beach. Dalawang room lang ang kinuha ni Mary: isa sa mga lalaki, at isa sa mga babae.





Inayos ko ang mga gamit ko sa loob ng kwarto namin. Sa loob-loob ko ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung mag-eenjoy ba ako dito. Ang awkward pa lalo dahil kay Caleb. May parte tuloy sa'kin na iniisip na sana hindi ko nalang s'ya niyaya. But then again, kahit hindi ko s'ya yayain, malamang ay yayain s'ya ni kuya at Axl.








"Tara, Brynn! Dun tayo sa beach! Kanina pa nag-aantay 'tong bikini ko eh." Yaya ni Harmony. Nakasuot na kasi s'ya agad ng bikini.





"Bruha ka kasi nagbikini ka agad. Ang lamig-lamig ng hangin oh tsaka pagabi na!" Sigaw naman ni Mary sakanya. Alas-cinco na kasi ng hapon.






"Ehh dali na!" Pagpupumilit ni Harmony na hindi naman na natanggihan ni Mary. "Yey, tara Brynn sama ka!"






"Susunod ako. Aayusin ko muna 'tong mga gamit ko." Sambit ko. Nag-sad face naman si Harmoy dahil sa sagot ko bago lumabas na rin ng kwarto para pumunta na sa beach.






Nang maayos ko na ang mga gamit ko, sumilip ako sa malaking sliding window dito sa room namin upang silipin sila sa beach.







Mukhang nagkakasiyahan sila. Nasa beach na sina kuya, Mary, Harmony, at Axl kahit madilim na at sobrang lamig talaga ng simoy ng hangin.







Made me wonder though. Bakit kaya hindi nila kasama si Caleb do'n?







Hindi na ako sumunod sakanila sa beach. Wala akong gana. Instead ay humiga na ako sa kama to take a nap.







Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now