Chapter XXX - xoxo

85 11 0
                                    

Caleb's POV

"Nakapag-isip ako. Dapat ay galit ako sayo. Dapat galit ako dahil ginamit mo ang Heartbreak Hotline at pinakinggan ang pag-iyak ko gabi-gabi at magpapanggap na walang alam tuwing magkikita tayo. Dapat galit ako dahil pinagtripan mo ako pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang magalit sayo. You're too precious. You deserve to be loved. I'm sorry for the lies I told. I love you, Brianna. I love you more than my life."

...


...


...





Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nabigla si Brianna sa sinabi ko. Kahit ako nabigla rin eh.





"No, Caleb, you don't," She said and laughed silently. "You don't have to say that you love me kahit hindi naman for the sake of my feelings. O-Okay lang naman kahit hindi mo ako mahalin pabalik. It's totally understandable. If I were a guy, I wouldn't love me too."








"Brianna, stop. Sorry sa lahat ng nangyari. Sana mapatawad mo ako." Pagpapaumanhin ako.








May dahilan lahat 'yon. Lahat ng sinabi ko... Hindi 'yon trip lang.








Sa pag-ibig, hindi lang dapat puro puso ang sundin. Dapat gamitin din ang utak dahil minsan, kayang sirain ng pag-ibig ang buhay ng dalawang tao na nagmamahalan.








No'ng aminin ni Brianna ang nararamdaman n'ya sa'kin, nabigla ako. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ganun din ang nararamdaman ko sakanya pero alam ko na hindi pwede.






Masyado akong maraming nalaman. Once you know something, you can't un-know it.



Mga bagay na pwedeng sumira sa amin ni Brianna at sa mga taong nasa paligid namin.




Yan ang dahilan kaya no'ng umamin s'ya, nagsinungaling ako sa nararamdaman ko.




Kung gano'n, bakit ako umaamin ngayon? Yon ay dahil naalala ko ang sinabi n'ya dati. Galit na galit s'ya kay Axl dahil hindi s'ya nito pinaglaban. Ayokong maramdaman n'ya ulit 'yon. Kaya kahit mahirap, ipaglalaban ko s'ya dahil mahal ko s'ya. Alam kong masyadong cheesy at corny pakinggan pero lalaban ako para sakanya. She's worth figting for.





"Caleb... N-Naguguluhan ako. I... I don't know what to say."




"Then don't say anything."





Awkward silence. Pareho kaming tahimik lang dalawa habang nakatingin ng diretso sa mata ng isa't isa.





"M-Mahal mo talaga ako? P-Paano...?"




"Because nothing makes me happier and nothing makes me sadder than you." Paggaya ko sa sinabi n'ya sa'kin nang tanungin ko rin s'ya ng ganyan.




Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now