Chapter XLIII - Twenty

61 7 0
                                    

Brianna's POV



"RISE AND SHINE, BABY GIRL!!!!!"

Nagising ako agad sa malakas na sigaw na 'yon ngunit pagkadilat ko ng mata ko at pagkabangon ko ay isang paper plate na puno ng whipped cream ang sumalubong sa mukha ko. "ARGHHH! KUYAAAAA!"


"Hahaha! Happy twentieth birthday, baby!" Aniya at tumungtong sa kama ko para alug-alugin ako.


Minsan talaga hindi ko maintindihan ang isang 'to. Dati ay napakamature n'ya, ngayon naman ay parang nasobrahan sa pagkaisip bata kung kelan tumatanda na. Basta sobrang playful na n'ya simula nung nagbreak sila ni Harmony. They broke up a few months after he and I broke up. God, I don't want to talk about it. I don't even want to think of it.




"Stop calling me baby, you jerk! I'm already twenty! Tignan mo 'tong ginawa mo sa'kin!" Sigaw ko habang tinatanggal ang cream sa mukha ko.



"Oh come on, Brynn. Alam mo namang kahit mag trenta ka pa eh ikaw parin ang baby ko." Hindi na ako sumagot. Masyado ng cheesy, kadiri.



Bumangon na ko. Nagbihis ako at sumakay na sa kotse ko.




Wala kaming pasok ngayon. Mabuti nga at Sabado tumapat ang birthday ko. Dumaan ako saglit sa sementeryo at binisita si Travis.



Kinuha ko sa compartment ng sasakyan ko ang dala kong maliit na blanket at nilatag iyon sa damuhan at umupo doon. Nilabas ko rin ang thermos na dala ko na may lamang kape. Nilabas ko na rin ang sandwich ko at kumagat doon.



"Hi, Travis. So... Today, I'm turning 20. Can you believe it? Ang bilis ng panahon. Ang tanda ko na agad, grabe. Haha." Sa puntong 'to, nakagat ko nalang ang ibaba kong labi upang pigilin ang pagpatak ng luha ko but obviously, I failed. Pumatak na ang mga ito. "God, Travis. It's so hard living without you. Masyado akong nasanay na lagi kang andyan sa'kin. I can't believe na wala ka na ngayong twentieth birthday ko. I'm so sorry. You are the best friend I ever had." Pinunasan ko ang mga luha ko nang makaramdam ako ng kamay na pumatong sa balikat ko. Si Axl pala.




"Happy birthday, Brynn." Simpleng bati n'ya.



"S-Salamat, Axl.." Medyo nautal pa ako dahil kakaiyak ko lang.



Heartbreak Hotline [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon