Chapter XXIX - Because I love you

84 10 0
                                    

Alas kwatro palang ng umaga ay nagising na ako. Okay naman ang oras ng gising na yun sana. Okay sana kung hindi ako alas tres natulog.









Gising na ako pero parang tila ba hindi ko maalis ang katawan ko sa kama ko. Wala namang pasok ngayon dahil Sabado eh.







*KRRIIIINGG* *KRIIIINGGG*






Bumalik ako sa katinuan nang magring bigla ang alarm clock ko. 7:03 AM. Ang bilis ng oras. Halos tatlong oras na rin pala akong nanatiling nakahiga at tulala.








Naiinis ako. Sobra.






I love him. I love him so much. Why can't he love me back? Why is life so unfair?






Bakit tayo nagmamahal ng tao na hindi naman tayo kayang mahalin pabalik?






Kung ang dalawang tao ay hindi naman pala magkakatuluyan sa huli, bakit hinayaan ng tadhana na isa sa kanilang dalawa ay ma-inlove? Bakit naimbento ang one-sided love?








Sa dinami-dami ng tao sa mundo... Bakit ako pa ang piniling paglaruan ng tadhana? Bakit laging hindi nasusuklian ang pagmamahal ko?









Hanggang ngayon... Tuwing maiisip ko ang nangyari kagabi... Napapahiya ako. Iniisip ko na sana hindi ko nalang sinabi na mahal ko s'ya para hindi ako lubos na nasasaktan at napapahiya ngayon.








But then again, kung hindi ko 'yon ginawa, hanggang ngayon ay aasa ako na mahal n'ya rin ako.







Nang mag alas otso na, naisipan kong bumangon na.








I took a shower and get dressed. Simpleng tank top at jean shorts lang at tinali ko lang ang buhok ko into a messy bun.







Nagulat ako dahil pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, bumungad agad sa'kin si Kuya Brix. "A-Ano ba? Dun ka nga." Pagpapaalis ko sakanya tsaka ako naglakad at nilampasan s'ya.







"Hay nako, Brianna. Lagi mong pinipiling masaktan kesa makinig sa pogi mong kuya." Napalingon ako sakanya dahil sa sinabi n'ya. Ano daw? Poging kuya? Sa'n nanggaling yun?









"Wala naman kasing poging kuya eh." Bulong ko pero mukhang narinig n'ya parin.







"Hindi ka kasi nakikinig sa'kin eh. Dati sinabihan kitang lumayo kay Axl pero di ka nakinig. Anong nangyari? Nasaktan ka. Ngayon, sinabihan rin kita dati na pigilin ang nararamdaman kay Caleb pero hindi ka ulit nakinig." Nagulat ako sa sinabi n'ya. A-Alam n'ya siguro yung nangyari kagabi. "I heard everything. Last night... I followed you out and saw you with Caleb kaya naisipan kong makinig."









Hindi ako tumugon, sa halip ay nginitian ko lang s'ya. Sa mga pinagsasabi n'ya, he's lowkey being concerned. Hindi lang halata pero for me he's the sweetest bro ever.









"Hey, girlie!"






Nagulat ako dahil pagkababa ko, sinalubong ako ng yakap nina Harmony at Mary.







"Tara, gala?" Yaya ni Harmony.









***







"Sus, weak ka naman eh!" Panunukso ko kay Mary.






"Ano ngayon? At least talo ko naman kayong dalawa sa basketball." Pagtatanggol n'ya sa sarili n'ya. Nagtawanan naman kami.






Heartbreak Hotline [ON GOING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang