Chapter XLIV - I'm back, love

71 6 0
                                    

Caleb's POV





"Brix please.. Brix I need to see her."








"Para sa'n pa? Bro, importante ang araw na 'to para sakanya. Wag mo naman sirain oh." Aniya.





Andito na ako ngayon sa Pilipinas. Sakto ang dating ko sa ika-20 n'yang kaarawan. Pumunta agad ako dito sa BnB dahil nabalitaan kon dito gaganapin ang party n'ya.






"Brix naman oh.. Dali na. Hindi naman ako manggugulo, gusto ko lan s'yang kausapin." Pagmamakaawa ko.






"Hindi ko talaga alam, Caleb. Sigurado akong ayaw ka na n'yang makita." Aniya at pumasok na sa loob.




Hay. Tama s'ya. Sigurado akong ayaw na akong makita ni Brynn. Siguro galit na galit na s'ya sakin. Anong gagawin ko? Sasabihin ko parin ba na hindi kami magkapatid? Pag sinabi ko, ano na? Ano nang mangyayari? Hindi parin naman kami magkakabalikan. Sa ginawa ko sakanya, hindi na s'ya babalik. Ayoko. Hindi ko nalang sasabihin. Ayokong guluhin nanaman ang buhay n'yang naging matiwasay na no'ng nawala ako.







Tumalikod na ako at nagsimulang paalis sa lugar na'to.






Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung babalik pa ba ako ng America. Sigurado akong pababalikin nila ako dun pero hindi ko alam kung kaya kong umalis dito sa Pilipinas ulit. Masaya ako dito. Ayoko ng unalis. Kahit hindi kami magkabalikan ni Brianna okay lang. Ang mahalaga lang sakin ay magkaayos na kaming dalawa at makita ko s'ya lagi.






Nang makalayo na ako, naramdaman ko ang mahinang pagbuhos ng ulan. Napalingon ako bigla sa BnB.





Naikunot ko ang noo ko. Di kalayuan, sa tapat ng BnB ay may nakikita akong babaeng nakatayo. Nakasuot s'ya ng maikling nude na dress at kahit malayo ang kinatatayuan n'ya mula sa'kin at hindi ko masyadong makita ang mukha n'ya, alam na alam ko na kung sino 'to.






Lumakas bigla ang buhos ng ulan at naramdama ko ang pagbigat ng mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo na ako palapit sakanya.






Nang makalapit na ako sakanya. Tinitigan ko s'ya ng diretso. At ang mga mata kong kanina ay bumibigat palang, ngayon ay tuliyan kong naramdaman ang pagbuhos ng mga luha ko mula dito.





I missed her so much. Sobrang saya ko na natititigan ko ulit ang mga mata n'ya ngayon, isang bagay na akala ko ay hindi ko na magagawa ulit.






"Brianna, I'm so sorry for--" Sisimulan ko na sana ang pakikipag-usap sakanya ng seryoso ngunit hindi n'ya na ako pinatapos.







"Kuya?" Kumunot ang noo ko. "Oh my God, Kuya Caleb it is you!" Aniya at niyakap ako bigla ng mahigpit.






"Kuya?" Hindi ko napigilan ang sarili kong itanong iyon. T-Tinawag n'ya ba akong kuya?







"I know, awkward right? Namiss kita, kuya." Aniya habang nakangiti ng abot tenga. May mali talaga eh. Nakangiti s'ya pero namamaga ang mata n'ya at namumula ang ilong n'ya. Para bang umiiyak s'ya na hindi lang halata dahil sa ulan?





Heartbreak Hotline [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon