Chapter III - Just an act

190 59 6
                                    

"What are you doing? Nooo!"

Sigaw ko at tumakbo papalapit kay Caleb at hinawakan ang braso n'ya para pigilan s'ya.

First time ko s'yang mahawakan. Yiee.

"Sino ka ba? Bakit ka andito?" Iritang tanong n'ya sa'kin. "Umalis ka na."

"No. I'm not leaving. I know you'll do something stupid. Muntikan na nga eh buti dumating ako." Sagot ko. Sinusubukang hindi mautal.

Pagkarating ko kasi, nakatayo s'ya sa dulo ng rooftop, nagpaplanong tumalon.

"I'm Brianna. And you are...?" Tanong ko sa kanya. At least ngayon makikilala n'ya na ko.

"None of your business." Aray ha. Pero di ako titigil.

"Wow ha. Dapat nga thankful ka sakin eh. Patay ka na sana kung hindi dahil sakin."

Napalingon s'ya sakin. Nakakunot ang noo. "Caleb." Simpleng tugon n'ya.

"Caleb? You're Regina's boyfriend right?" Tanong ko, nagpapanggap na hindi ko s'ya kilala.

"Ex." Aniya.

"Oh, right. S'ya ba yung dahilan kung bakit ka tatalon? Do you...wanna talk about it?" Tanong ko. "Why am I even asking. I know you won't."

*RIIIIINGGGG*

He smirked and left. Gosh, yun na 'yon!? Aishhh! Pero at least kilala n'ya na ko. Hihi.

Pumasok na ako sa next class ko.

Wala akong naiintindihan. Ang nasa isip ko kasi si Caleb eh. Kilala n'ya na ako. Maalala n'ya kaya ako pag nagkita ulit kami?

*BUZZ* *BUZZ*

From: Caleb

You didn't show up. Wala ka na talagang pakealam sakin. Even if I were to kill myself. Bumukas yung pinto sa rooftop at napatigil ako. Akala ko kasi ikaw na 'yon. Turns out it was just some girl named Brianna. Naiintindihan ko kung ayaw mo na. Okay lang. Still, thank you sa lahat.

Caleb.. Anong ibig sabihin nito? Tanggap na ba n'ya na ayaw na sakanya ni Regina? Plus, naalala n'ya ang pangalan ko. Pero medyo masakit yung 'just some girl' ha.

Biglang may papel na bumato sa'kin.

' Sorry na, babe. Please? :(

- Harmony, Mary '

Nilagay ko lang yung papel sa bag ko at sinubukang makinig sa teacher ko. Napatingin ako kay Regina na nakaupo sa harap. Kahit nakatalikod s'ya ang ganda n'ya. No wonder patay na patay sakanya si Caleb.

AFTER CLASS...

Naglalakad na ako papunta sa kotse ni kuya. Sabi kasi ni mommy kay kuya ako sumabay.

"Brianna! Hey! Hey, Brynn! Wait up!"

Napatingin ako sa tumawag sakin na si....Regina? What?

"Hey." She said and smiled. "One of my friends, Gretchen, said she saw you at the rooftop today. With Caleb. So what are you guys doing up there? Are you two dating?" She asked, still smiling.

"God, Regina, no. I actually just met him and I ---"

"Oh please. We all know you didn't just met him. So answer me. Are you dating him?" Tanong n'ya.

"N-No. No, I'm not." Sagot ko.

"Good. And I want you to know that we may have broke up but he's still my property. I have to go. Ciao!" She smiled sweetly and left. What the heck was that?

Heartbreak Hotline [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon