Chapter XXXVII - Mother

79 10 5
                                    

A good one month has passed.



November was the bluest month of my life. A month without talking to the man I love the most. And the worst part is I am clueless. I don't even know why he stopped talking to me. I don't know why our family wants to split us apart.


It's now December. A month where everyone seems so happy as they start to feel the Christmas spirit. Everyone but me. It's now December yet I still haven't heard anything from the man I love.


To: Caleb

I miss you so much. Please text back.

Message sent!



"Brianna!" Sigaw ni Harmony. Kasama na rin pala niya si Mary. Sinusundo na ako para sabay-sabay kaming papasok.



"Tara na." Simpleng tugon ko, emotionless.



"Natatawa ako kay mommy kanina eh haha! Pano ba naman kasi nagpapatugtog ako ng kanta ng Blackpink sumasabay s'ya. Haha! Ang cool talaga ng mommy ko!" Ani Mary at nagsitawanan naman sila ni Harmony.



"Wala yan sa mommy ko. Mommy ko dahil araw-araw nagcacast ako ng dance practice ng Ddu-du Ddu-du sa TV, namemorize na n'ya steps! Haha!" At nagtawanan na naman sila.


Tinignan naman nila ako tila ba hinihintay kung may ibabanat ako sa mga kwento nila ngunit hindi ako sumagot. I remained silent.



Ang mommy ko naman kontra sa lahat ng mga bagay na nagpapasaya sa akin..


"Brianna." Napalingon ako kay Mary nang tawagin n'ya ang pangalan ko. "It's been a month. We miss you. Nakakamiss yung Brianna na best friend namin. Yung Brianna na napakalakas ng tawa. Yung Brianna na tatawa even sa corniest jokes namin. Yung Brianna na masaya lagi. Please. It's been a moth. You have to move on."



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mary, "Move on!? Why the hell do I have to move on!? Hindi pa kami break ni Caleb! Alam ko na babalik s'ya sakin. Alam ko na nagpapahinga lang s'ya and I may not know it pero alam ko na araw-araw gumagawa s'ya ng paraan para masave ang relasyon namin. Alam ko na pinglalaban n'ya ako. Alam ko yun... Hindi si Caleb yung tipo ng lalaki na mabilis sumuko." Yan ang sinabi ko at iniwan ko na sila sa paglalakad upang mauna nang pumasok sa school.



--




To: Caleb

Caleb please talk to me. I miss you. Hindi pa naman tayo break diba? Diba hindi pa naman ito ang end ng love story natin? Please, I can't do this anymore. Hindi ko na kaya 'to. I need you to be my strength again. I love you so much, please come back to me.

Message sent!




It's now February 24th. 3 months na ang nakakalipas. Hindi ko pa s'ya nakakausap but still, hindi nababawasan ang pagmamahal ko sakanya.



Andito lang ako sa kwarto ko habang nakalock ang pinto ko at nakikinig lang ako sa music habang nakahiga sa kama ko.




At heto, basang-basa na naman ang mga punda ko.



After about 2 hours ay nakareceive ako ng text galing sakanya. Dahil sa text na ito, lumagpas sa tenga ko ang mga ngiti ko. I can't believe nagtext s'ya sakin!



From: Caleb

Bread n Brew.



Three words yet I feel so overjoyed. Dali-dali ay pinunasan ko ang mga luha ko at lumabas ako sa kwarto ko at tumakbo hanggang sa marating ko ang BnB. I am so excited to see him!




Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now