Chapter V - Heartbreak Hotline

179 57 0
                                    

Tapos na kami magshopping. Apparently, lahat pala sila alam na new member daw ako ng R Squad. Hindi man lang nila ako tinanong kung gusto ko ba.

Pero teka... Gusto ko ba? Ang totoo ay hindi ko alam. Alam kong marami pang ibang babaeng nagkakandarapa para maging kaibigan nila Regina pero.. Hindi ko alam kung gusto ko.

Sure, gusto ko dahil may chance na mapapalapit ako lalo kay Caleb but the thing is, hindi lang naman sakanya umiikot ang buhay ko. I have friends who love me and they might feel betrayed kung sasama ako kela Regina, lalo na si Harmony. I'm not really sure.

"Come on, Brianna. Let's go home." Yaya ni Gretchen.

"Uhmm.. Actually, I should stay here. I just.. I need to buy something." I lied. Wala akong bibilihin. Ayoko lang silang kasabay. Mas gugustuhin kong magcommute kesa sumabay ulit sakanila.

"Oh, really? Then we'll come with you. We're your friends." Regina said.

"N-No. You'll get bored. It's just... It's just groceries." Another lie.

"Groceries? You buy groceries?" Tanong ni Angelica. Tumango na lang ako. "Okay. Ciao!"

They finally left.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at siniguradong nakaalis na sila. I called Harmony and Mary. I told them to meet me sa foodcourt.

Tumalikod na ako at pupunta na sana sa foodcourt pero nagulat ako dahil may tao pala sa likod ko.

"God, Caleb!" I said. Nakakagulat kasi s'ya eh. But why is he here? Aishhh, duh! It's a freaking mall, Brianna! Lahat ng tao pwedeng pumunta dyan!

"Why are you with Regina?" Tanong n'ya. So he actually remembers me.

"They asked me to come with them. Why do you care?" Tanong ko. Nakakabelieve talaga ang tapang ko pag kausap ko s'ya. Hindi man lang ako nauutal.

"I never thought you'd be so stupid. Dati palang, sinabi ni Regina na limang tao dapat ang nasa R Squad. You think isasama ka talaga nila sa grupo nila kung wala silang kailangan sa'yo? Ginagamit ka lang nila, Brianna. Either may kailangan silang malaman sayo or they want to make fun of you." Nagulat ako sa sinabi n'ya. So what? What's it to him if they make fun of me?

"Haha. Nakakatawa ka naman, Caleb. Naalala ko dati ikaw yung number one supporter ni Regina. Lagi mong kinokontra yung mga taong nagsasabing masama s'ya. Lagi mo s'yang pinaglalaban. Tapos ngayon, ikaw na mismo yung nagwawarn sa mga tao tungkol sa ugali ni Regina." I said and laughed.

"I was wrong. I admit it. I always thought Regina was an angel. For me, she's an angel but she turned my life into a living hell. So I realized she's no angel. Hindi na ako dapat nagbubulag-bulagan. I'm just warning you. Stay away from her kung ayaw mong masaktan. They don't just let people in their squad." Pagpapaliwanag n'ya. Halata naman na hindi anghel si Regina eh. Ang tapang ng mukha n'ya. Ang anghel maamo ang mukha hindi matapang.

"I have a question. What's it to you? So what if they make fun of me? So what if they only made me part of their squad to use me? Ano ngayon kung saktan nila ako? You barely even know me so why do you care?" Tanong ko ulit. Nakakapagtaka lang. Why is he acting like this? It makes my heart flutter.

"B-Because..because... I'm just worried, okay? You're Brix's sister. Kahapon ko lang nalaman na magkapatid pala kayo. Plus, ayokong masaktan ka. Siguro hindi halata pero naappreciate ko yung pagpunta mo sa rooftop at pagpigil sakin sa pag-suicide. It was really nice of you, Brynn." He smiled and left.

Naiwan naman ako ditong nakanganga. Ohemgee! He called me Brynn! Feeling close s'ya, OMG!

"Brianna! Andyan ka na pala. Kanina ka pa kaya namin hinihintay." Napatingin ako sa likod ko. Si Harmony at Mary pala.

Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now