Chapter XLV - Friends and Siblings

76 7 1
                                    

Brianna's POV






"Do you think I should invite Axl, though?" Napairap ako sa tanong ni Mary'ng yan. Nako naman!





"Oh my God, Mary, it has been four freaking years and yet hindi ka parin nakakamove-on kay Axl? Wow, talk about loyalty. Natetense ka parin pala. Hindi ka parin talaga nagbabago." I said and chuckled. Napakaloyal ng babaeng 'to, grabe.







"Well, ikaw lang naman ang nagbago," Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya. "Anyways, enough about that nagbago thingy. So ifafinalize ko lang for the last time. You're inviting both your brothers, right? Sila lang naman diba?" Napataas ang sulok ng labi ko nang sabihin n'yang 'both your brothers' ng hindi naaawkwardan or naninibago.








"Uhmm.. Mary, can I invite Regina?" Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya sa tanong ko.







"What!? No! Syempre hindi! Dapat tayo-tayo lang! You know.. High school buddies? Bakit mo isasama si Regina eh yun nga yung numero-unong kontrabida sa high school life natin?" Aniya. Wow, mabilis parin s'yang magsalita. Wala talagang pinagbago.






"She's changed, Mary."





"I don't care, Brynn."






"Fine. Hindi kita pipilitin. Okay naman ako kahit wala s'ya eh." I said and put on a calm face.







"Good. Because I'm starting to think that we're losing you again. Like you're trapped in Regina's world again. That is not good, Brianna." Aniya, tumayo na, at umalis.




Naikot ko nalang ang mga mata ko. Hindi talaga nagbabago. Ang dami n'ya paring alam, tss.






---





"Tara na, kuya." Sambit ko nang makapagbihis na ako at naayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko.




Naisip kasi ni Mary na mag-beach vacation nalang kami para mas maging masaya s'ya bago s'ya umalis.





May pasok sana kami ngayon pero tatlong araw lang naman kami sa beach kaya okay lang naman sigurong umabset. Tsaka isa pa, tatlong araw lang. Hindi na ko aabsent pa ulit after nito. If it means being with my friends, what's there to lose?






"Tara na," Sagot n'ya. "Teka, Brianna..." Napatigil ako sa pagtawag n'ya. "Pupunta ba talaga si Harmony?"






"Syempre. S'ya nga ang importanteng makapunta dun eh dahil bestie s'ya ni Mary. You silly goose." Pang-aasar ko sakanya. Sinimangutan n'ya lang ako at pumasok na sa kotse n'ya.






Hay nako, kuya, halatang-halata. May gusto parin s'ya talaga kay Harmony. Ewan ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ni Harmony iniwan si kuya. Nagloko ba si kuya? Alam kong playboy si kuya, pero mukha naman s'yang seryoso kay Harmony eh. Iniyakan pa nga n'ya eh.








Sa loob ng kotse ni kuya, habang nakikinig ako ng music ay nagsalita si kuya, "Daan muna tayo kela Caleb, ah?"




"Sige lang. Pero kuya... Curious lang. Babalik pa ba s'yang America?" tanong ko.






"Hindi ko alam, di naman namin napag-uusapan. S'ya tanungin mo mamaya." He said and smirked. Tss, may pa smirk pa 'tong panget na 'to.







Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now