Chapter VII - I am a LIAR

160 53 14
                                    

Regina's POV

"Bye!" Paalam ko kay Brianna nang ihatid namin s'ya sa bahay nila.

"So, let's do it in my house." Sabi ko sa mga kaibigan ko.

Nakarating na kami sa bahay namin at dire-diretso na kaming pumasok sa kwarto ko.

"Angel, are you sure Axl said that?" Tanong ko kay Angelica.

"Yes, I'm sure. I was with Brix that time. Narinig ko na sinabi ni Axl kay Brix na may gusto si Brianna kay Caleb." Pag-uulit ni Angelica sa narinig n'ya.

Nanliit ang mga mata ko. I told you, Brianna. We may have broken up, but Caleb is still my property. What's mine is mine. Makita lang talaga kitang umaaligid kay Caleb. I swear you're gonna pay for it. I'll turn your life into a living hell.

"She is so funny. Akala n'ya talaga kaibigan ang tingin natin sakanya. Tingin ba n'ya madaling makakapasok ang isang loser na katulad n'ya sa R Squad? It's not gonna be that easy. I'll make sure na mahihirapan s'ya." I said.

"Yes. Please go hard on her. I want to hurt her so bad. In fact, I wanna grab her brother's baseball bat and whack her like a piñata." Gretchen said. Mahilig kasi mag-baseball si Brix.

"Ew, Gretch. Brutal much?" Michelle said.

"Of course I'll go hard on her, sweetie. She ruined your almost-perfect relationship. Kahit na s'ya ang nauna, I bet dumikit-dikit pa s'ya kay Axl kaya nagustuhan s'ya ulit. So pathetic. I am not gonna let her do the same thing to my Caleb." I said and smirked. "Who among you have loser Mary's phone number?" Tanong ko at walang nagtaas ng kamay.

Then, tinaas na ni Carylle ang kamay n'ya. "I was friends with her nung hindi pa ako parte ng R Squad." aniya.

"That's great call her and tell her everything we know about Axl and Brianna's relationship. We'll start by ruining their friendship." I said.

Dali-daling kinuha ni Carylle ang phone n'ya at tinawagan si Mary. Ini-speaker n'ya para marinig namin.

"M-Mary. I have to tell you something. Are you alone? Andyan ba si Brynn?" Carylle asked.

"Ha? Bakit Carylle? Wala s'ya dito. Kasama ko si Harmony ngayon." Sagot naman ni Mary. Nagthumbs-up ako kay Carylle, sign na okay lang na marinig ni Harmony.

"Okay sige. I-speaker mo para marinig ni Harmony 'to. Alam mo na ba na.. Na nagbreak na si Gretchen at Axl?"

"Ha? Talaga?" Mary said. Mukhang ang saya pa ng boses n'ya. Nakita ko na napa-irap si Gretchen dahil sa tono ni Mary.

"Diba may gusto ka rin kay Axl? Alam mo ba kung bakit sila nagbreak? Dahil kay Brianna. Kinwento samin ni Brianna ang storya. Nung grade 8 naging sila at tinaggo nila ang relasyon nila sainyo ng isang taon o higit pa. Ngayon, dumikit-dikit pa s'ya ulit kay Axl kaya nagustuhan s'ya ulit nito. I thought Brynn was your friend? Why would she lie to you? But please don't tell her that I told you. I'm scared." Pagkukwento ni Carylle. This is gonna be amazing.

"Oh my gosh. I can't believe that liar did that! Thanks for letting me know." Mary said and hung up.

"This is gonna be perfect!" Wika ni Gretchen.

Ilang sandali lang at umuwi na silang apat. Nag-ayos ako at lumabas na ng bahay. Naglakad lang ako hanggang sa marating ko ang bahay n'ya. Nagdoor bell na ako at ang nakababata n'yang kapatid ang lumabas.

"Hi, Riley. Andyan ba ang kuya mo?" Tanong ko kay Riley, ang bunsong kapatid na babae ni Caleb.

"Sinong kuya, Ate Regina? Kuya Clyde o Kuya Caleb?" Tanong n'ya. Si Clyde naman ay kapatid rin ni Caleb. Si Clyde kasi ang panganay sakanila, pangalawa si Caleb, at bunso si Riley

"KUYA CALEEEEEEEEEEEEB MAY NAGHAHANAP SAYO!" Tawag n'ya sa kuya n'ya.

Lumabas na si Caleb. Kitang-kita ko ang pagsama ng mukha n'ya nang makitang ako pala yung naghahanap sakanya. Tumalikod na s'ya at papasok na sana ulit sa bahay n'ya.

"Caleb don't. I'm sorry." Pagpapaumanhin ko sa lahat ng nagawa ko. Humarap na s'ya sakin.

"You're sorry?" He laughed and continued, "You're Regina Brown. Alam ko na pag nagsorry ka, hindi ka sincere."

"Caleb.. I'm sorry and I mean it. Kung alam mo lang.. Pinagsisisihan ko ang lahat ng ginawa ko sa'yo. Please forgive me." Totoo ang mga sinabi kong 'yan.

Dare lang ang relationship namin. 3 months lang. Ayokong mapahiya sa mga kaibigan ko kaya nakipagbreak ako agad after 3 months.

Ayokong makita ng nga kaibigan ko na nainlove ako kay Caleb dahil lang sa dare. Ayokong maisip nila na madali lang akong mahulog kahit na ang tapang tapang ko. Pero wala na akong pakealam ngayon sa iisipin nila. Dahil ayokong maunahan ako ni Brianna.

"Nung nagbreak tayo... Gusto kong sabihin na joke lang yung mga sinabi ko pero hindi pwede 'yon. Ako si Regina Brown. Kailangan kong panindigan yung sinabi ko dahil matapang ako. Nagbreak tayo.. Pero minu-minuto akong nakatingin sa cellphone ko, nagbabakasakaling tatawag ka o kahit text lang. Pero hindi eh. Hindi ka nagparamdam. Do'n ko nalaman.. Na baka hindi mo naman talaga ako mahal." Napansin kong parang medyo naluluha na ako. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng umiyak matapang ako. "Bakit hindi ka lumaban, Caleb!? May iba na ba agad, ha!? Yung kapatid ni Brix, si Brianna na ba!?"

"Regina.. I tried to call you, God knows I did. Kaso yung number mo na nasa contacts ko, hindi na pala yun sayo." At least medyo nakahinga ako nang malamang tinawagan n'ya pala ako.

"I.. I changed my number kasi akala ko hindi ka na talaga tatawag." Pinalitan ko yung number ko nung isang araw lang. Bakit naman noon lang s'ya tumawag? Bakit hindi nung kakabreak lang namin? "Caleb... If you still love me... Please. Please come back to me."

"If I still love you. I'm sorry, Regina. Pero hindi na ikaw ang gusto ko." Sinabi n'ya yan at pumasok na ulit sa bahay nila.

Pakiramdam ko ay huminto ang tibok ng puso ko at nagdilim ang mga mata ko. Paulit-ulit kong narinig ang boses ni Caleb na nagsasabing hindi na ako ang gusto n'ya.

Kung hindi na ako.... Si Brianna. I swear I'm gonna punish her for touching what's mine.

***

Brianna's POV

Nasa sala ako nang may nagdoor bell. Sumilip ako sa bintana namin at nagulat ako nang makitang si Caleb at Axl pala iyon. Dali-dali kong tinawag si kuya at umakyat na ako sa kwarto ko.

Hayst. Eto na naman ako. Tuwing dumarating dito si Caleb at si Axl, nagkukulong ako sa kwarto ko at hindi ako nagpapakita. Kaya nga hindi alam ni Caleb na kapatid pala ako ni kuya eh. Hindi rin kasi sinasabi ni kuya kasi alam n'yo na, masyado s'yang proud sakin eh, diba?

Nagulat na lang ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hala, sino 'yon? Si Caleb ba 'yon? Shocks, baka ako ang pinunta n'ya rito hindi si kuya?

Humarap ako sa salamin ko. Inayos ko ang buhok ko at nag-lip tint pa ako. Nag-spray rin ako ng perfume. Yung pinakamamahaling perfume ko.

Binuksan ko ang pinto at ngumiti ako, inaasahang si Caleb 'yon pero hindi pala. S-Si.. Si Mary at Harmony pala. Ano bang ginagawa nila dito?

"Oh, M-Mary, Harmony. Pasok kayo." Dire-Diretso nga silang pumasok sa kwarto ko. "Bakit kayo andito? Gusto n'yo ba ng maiinom ---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa nangyaring hindi ko inaasahan.

Bigla akong sinampal ni Mary. Pakiramdam ko ay parang huminto bigla ang pandinig ng tenga ko dahil sa lakas ng sampal n'ya. Napahawak ako sa pisngi ko habang nanginginig sa sakit. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha ko. Napatingin ako sakanya. Galit na galit yung mukha n'ya. Halos namumula na s'ya sa galit.

Tumingin ako kay Harmony. Parang tila nawalan ako ng pag-asa sa mga kaibigan ko nang makita kong mukhang galit rin ang ekspresyon ng mukha ni Harmony. What have I done?

"Wala kang kwentang kaibigan, Brianna! You are a big fat liar!"






End of Chapter VII...

Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now