Chapter I - It begins

364 68 33
                                    

Brianna's POV

I felt the warm summer breeze as I ran towards my best friends, Harmony Duff and Mary Smith.

Si Harmony, nakasuot ng two-piece n'yang swimsuit at mukhang nag-eenjoy sa pagsa-sunbathing n'ya. Si Mary naman ay naka one-piece. Gano'n rin ako.

Sa aming tatlo, tingin ko ay si Harmony ang pinakamaganda. Ewan ko ba. Basta kasi s'ya lang naman yung mahilig mag-ayos saamin eh.

Ang buhok n'ya ay soft-curled yung dulo na hanggang bewang at medyo brown. Ang balat n'ya, sunkissed. She looks so sexy because of that glowing tanned skin. Maporma rin s'ya at stylish manamit.

And then there's Mary. Maganda rin si Mary. Maputi, payat, makintab at straight ang buhok.

And then, ako. Ewan. Parang feeling ko ako yung pinakapanget samin. Maputi. As in sobrang puti kaya ang unhealthy na tignan ng balat ko. Medyo chubby rin ako, hindi gaya ni Harmony at Mary na curvy. Although laging sinasabi ni Harmony na ako ang pinakamaganda sa'min, feeling ko nambobola lang s'ya.

Let me tell you a story about our friendship.

3 years na kaming magkakaibigan. We are known as the 'Weird Squad'. Yan yung tawag sa'min dati. Ngayon, hindi na kami tinatawag nun. Nagmature na rin sila kahit papano.

Originally, it was just Mary and me. We were friends since 4th grade.

7th grade... Harmony was part of the Cheering Squad. She was friends with Regina Brown, ang anak ng may-ari ng school namin, Springfield High.

Sikat s'ya. Bukod sa maganda s'ya, kaibigan s'ya ni Regina. I don't know, it's weird but people in our school thinks of it as an 'asset'. Pag kaibigan ka ni Regina, ibig sabihin nun cool ka kaya automatic, hahangaan ka ng mga tao at sisikat ka. Lalo na tinanggap pa s'ya sa Cheering Squad. Ibig sabihin sexy at maganda ka.

Mula no'n, Harmony was always with the popular girls. They were called 'R Squad' as in Regina Squad. People like to think they're Regina's minions.

Sure, lahat ng nasa R Squad ay magaganda. Maganda sila pero hindi ang ugali nila. Regina created all of them. Ang ayaw ni Regina, ayaw rin nila. Regina thinks people who like animes and KPOP are losers. She also thinks people who likes unicorns and mermaids are weird.

Dahil ayaw ni Regina no'n, ayaw na nilang lahat. Hindi lang ang R Squad kundi ang buong studyante sa school namin. They're the 'Regina wannabes'. They all hate KPOP, animes, and unicorns. Mary and I are the only ones who like it. So, tinawag nila kaming weirdos at losers.

Apparently, hindi lang pala kaming dalawa. Harmony likes 'em too. Lumayo s'ya sa R Squad. Harmony isn't as mean as them. She's really sweet. Mula no'n, lagi na kaming magkakasamang tatlo. And, well, Harmony was also called 'weirdo'.

"Hey there, beautiful," Bati ni Harmony nang makita n'ya akong papalapit sakanya."You want some?" alok n'ya sa watermelon ka kinakain n'ya.

Lumapit rin sa'min si Mary na kasalukuyang kinakain nanaman ng sistema ng KPOP. Sa aming tatlo, s'ya ang pinaka-obsessed.

"Oohh, I spy a Caleb." Biglang sambit ni Harmony. Napatingin ako sa direksyon na tinitignan n'ya. Andun nga si Caleb.

"Wow, andito rin pala s'ya. Dali lapitan mo na, Brynn!" Tinulak-tulak pa ako ni Mary. Pinipilit akong lapitan si Caleb.

Iiling-iling naman akong naglakad na papalapit sakanya. Nakakatuwa talaga ang mga kaibigan ko, masyadong supportive.

Papalapit na ako sakanya and I was about to say hello nang biglang lumapit sakanya si Regina.

Ouch. Magkasama pala sila.

Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now