Chapter XLII - Wait for me, baby

84 7 0
                                    

Caleb's POV

"Kamusta?" Bati ko sa kaibigan kong kausap ko sa Skype.

"Kamusta? Teka, Tagalog yun ah? Hindi ka ba Englishero, pre?" Aniya at humagalpak ng tawa. Baliw talaga 'to.

"Seryoso. Kamusta kayo d'yan, Axl? Kamusta s'ya?" Tanong ko. Agad na bumagsak ang mga balikat ko.

Matapos ang apat na taon, ngayon lang ako ulit nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita ng tungkol sakanya. Miss na miss ko na s'ya. Sobra.

"Dude, akala ko naman ako ang kinakamusta mo, haha! Okay lang naman s'ya. She got a new boyfriend."

Hindi ko na ikinabigla ang sinabi ni Axl. May boyfriend na s'ya. Sabagay, apat na taon na ang nakalipas. I can't expect her to be so loyal to me kahit na sinaktan ko s'ya. Hindi gano'ng tipo ng babae si Brynn. She's not an idiot. S'yempre ay makakamove-on s'ya agad. Siguro ay narealize na n'ya na hindi ako deserving sa mga luha n'ya kaya naghanap na s'ya ng bago. Hindi ako galit. I can't be selfish. Sinaktan ko s'ya. She deserves to be happy. I'm happy for her.

Siguro dapat ay magmove-on na rin ako. Wala namang pag-asa na. May bago na s'ya at bawal magkaron ng relasyon ang dalawang magkapatid. At isa pa, ayaw na ako ni daddy pauwiin ng Pilipinas.

"Dude, what? Iiyak ka ba sa harap ko? Hahaha. Tanga ka kasi eh. Kung alam mo naman na aalis ka, dapat hindi ka nalang nakipagbreak. Maghihintay naman 'yon si Brianna eh. Mahal ka nun kaya hihintayin ka nun."

"Hindi kasi ganun kadali 'yon, Axl. Ang sitwasyon namin ni Brianna.. Hindi 'yon madali. Kung kayo nga dati ang dali-dali na ng sitwasyon n'yo naghiwalay pa kayo eh pano pa kaya kami na tutol ang mga pamilya at magkapatid? Hindi gano'n kadali para sa'kin na paghintayin s'ya lalo na't alam kong malaki ang posibilidad na wala na s'yang aantayin. Magkapatid kami, dude. Wala eh. Kinailangan ko talagang makipaghiwalay."

"Right. Naaawa ako kay Brianna. She's been through a lot. Ang malas kasi ng isang 'yon pagdating sa relasyon. Imagine? Una, nagkaboyfriend ng hindi s'ya sineryoso, AKA ako, pangalawa nagkaboyfriend ng kuya n'ya pala, AKA ikaw. Napakamalas. At mas minalas pa sa pangatlo. Nako, hindi ko maimagine kung ga'no kalungkot si Brianna ngayon."  Minalas sa pangatlo? Ano!?

"Pangatlo!? Bakit, Axl!? Sinaktan ba ng lalaking 'yon si Brianna!?" Bigla akong nagalit. Kahit ano talagang sabi ko na wala na akong pakealam, hindi parin talaga mawawala yung katotohanan na may pake ako.

"Dude calm down. Her boyfriend committed suicide. Ewan ko kung bakit. I heard it was because Brianna tried to break up with him pero nung isang araw lang nakita ko siya sa sementeryo, binibisita yung boyfriend n'ya habang iyak ng iyak. She's broken hearted, again."

Nalungkot ako bigla. Brianna.. At least she got the love she deserves. Yung taong magpapakamatay para sakanya.. At least nakakuha s'ya ng taong mahal na mahal s'ya. Hindi kagaya ko.

"Dude... Sorry nga pala ulit sa lahat ah. Alam mo na. Yung dati. Yung sa'min ni Brianna.. Sorry."  Aniya.

"Ayos lang p're. Matagal na yun." Sagot ko. Kahit naman ganon ay matagal ko ng napatawad si Axl. Napatunayan ko na tapat s'ya sakin kahit na ganon ang nangyari sa amin. Nang makarinig ako ng sigaw mula sa labas ay pinatay ko na ang laptop ko. Mukhang nakauwi na si Kuya Clyde.

Heartbreak Hotline [ON GOING]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن