Chapter VI - For Keeps

161 52 0
                                    

"Hi, this is Heartbreak Hotline, how may I help you?" Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi ko. God! I can't believe I just said that! How can I be so stupid?

"Sorry, what?" Tanong n'ya, halatang naguguluhan.

"Heartbreak Hotline, sir." Yan lang ang naisagot ko. Kailangan kong panindigan 'to.

"Heartbreak what?" Tanong n'ya ulit.

"Heartbreak Hotline. People call here when they're broken hearted. So, tell us you're problem, sir, and we'll try to help you." I said.

"Do people actually do that? Talaga bang tumatawag sila sa inyo para humingi ng advice sa pagmomove-on? Talaga bang sa strangers pa sila nanghihingi ng tulong?" Tanong n'ya. Actually, hindi ko nga rin alam Caleb eh. Wala naman kasi yata talagang Heartbreak Hotline! Pano ko ba yun naimbento!? Siguro dahil pinapakinggan ko yung kantang Heartbreak Hotel. Gosh!

"Surprisingly, yes, they do sir. Apparently, may mga taong mas gustong lumapit sa strangers kesa sa mga kakilala nila. They think na pag may sinabihan silang kakilala nila, kakalat agad yung storya." Huminga ako ng malalim tsaka nagsalita ulit, "So sir, how may I help you? Don't be shy. Tell me."

"A-Actually I had the wrong number. I'm not brokenhearted. I don't need your help."

"Sir, you don't have to lie. I read your texts, I listened to your voicemails. Alam ko sir na napagkamalan mo ang number namin na number ng isang babaeng gusto n'yo. You can tell us the story and I'll try to help you."

"Yeah. I'll think about it. I'll call you back."

He ended the call. Gosh, sana wag na s'yang tumawag ulit. Pag kinwento n'ya ang buong storya, baka hindi ko kayanin at baka hindi ako makapagsalita. I am not good at giving advices.

I tried to calm myself down and try to fall asleep. Tomorrow is another day.

***

Gumising ako ng mas maaga kesa sa normal na gising ko. Lumabas agad ako para bumili ng bagong SIM Card. I need a new phone number. Caleb can't find out that I'm the 'Heartbreak Hotline' girl.

Dali-dali kong tinext si Harmony, at ang iba ko pang mga kaibigan.

To: Harmony, Mary and 33 others

Hi. This is Brianna. :) This is my new phone number. Please delete the old one. Thanks. :)

Message sent!

Yeah. Delete the old one because that is Heartbreak Hotline now.

Aftet I got ready for school, lalabas na sana ako nang biglang may bumosina sa harap ko.

Gosh, it's the R Squad.

"Hey, Brianna, hop in!" Regina said. Sumakay nalang din ako sa kotse nila at sumabay sakanila hanggang makarating ng school.

Sabay-sabay kaming pumasok, si Regina ang nasa harap.

All the attention we're getting... It's making me uncomfortable. Lahat ng tao nakatingin sa'kin. I can hear whispers everywhere. 'Hala bakit s'ya nasa R Squad?' 'Wow, ang ganda pala ni Brianna!'

Tumingin nalang ako sa baba. God, help me. Hindi ako sanay ng ganito.

Napatingin ako sa dulo. Si Mary at Harmony. I smiled at them. Harmony smiled back but all Mary did was roll her eyes.

Hindi nila ako pinansin buong klase. I was with the R Squad the whole time.

Uwian na. They said sabay-sabay na kaming umuwi pero nagpaalam muna ako para magcr.

Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now