Chapter IX - The R. Brown Game

141 49 2
                                    

"My friends... They'll never forgive me, Caleb. There used to be three of us.. Now I'm all alone." I said. Tulo na ng tulo yung luha ko.

"I'm still here for you, Brynn..." -Caleb.

"I know. And I'm thankful for that. Pero.. Hindi ako makapaniwala. Ang dali para sakanilang husgahan ako. Hindi man lang nila alamin ang side ko. Pati ang mga kaibigan ko. Ang bibilis nilang maniwala kay Regina." Pagpapatuloy ko.

"I should probably take you home. Brix texted me. Come on." Aniya at naglakad na papunta sa kotse n'ya. Sumunod naman ako.

Tahimik lang kaming dalawa ni Caleb habang nagdadrive s'ya papunta sa'min.

Andito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin. Kitang kita ko si Kuya Brix na nasa labas, nag-aabang habang nakakunot ang noo.

Pagkababa ko ng kotse ni Caleb, dali-daling lumapit sa akin si Kuya Brix at niyakap ako. It's been a while since he hugged me this tight.

"I swear to God, Regina is gonna pay for what she did to you!" Sigaw ni Kuya Brix, galit na galit s'ya. "Maaari ka ng umalis, Caleb. Salamat."

Pumasok na kami sa loob. Didiretso na sana ako sa kwarto ko pero pinigilan ako ni kuya.

"Stay here, Brynn." Seryosong wika n'ya. "Harmony told me everything."

"Oh, so that girl have the guts to talk to you. Ang bilis n'yang magalit, kuya. She was so mad at me just because I dated her brother! Seriously, what the hell!? I can't see what's wrong with that!" Sigaw ko. I thought they're my friends. But she's exactly like Regina and the others. Siguro yung ugali n'ya, pang-R Squad parin.

"Brianna, stop. Harmony is still your friend. She always was."

"Yeah whatever. I need to rest."

Umakyat na ako sa hagdan, papunta na sana sa kwarto ko nang magsalita ulit si kuya, "Mom's gonna come home tomorrow. With lola."

Pinikit ko lang ang mga mata ko at dumiretso na sa kwarto ko.

Humiga agad ako sa kama ko...

What do I do? I have no one...

*RIIIIIIIIINGG*

Napatingin ako sa cellphone kong nagring, si Caleb. Why is he calling Heartbreak Hotline? Akala ko ayaw na n'ya?

Hindi ko ito sinagot at pinabayaan lang magring. Wala akong ganang makipag-usap.

Ilang sandali lang pagkatigil nitong mag-ring, may natanggap akong voicemail mula rin sakanya.

"Hey, Heartbreak Hotline. Bakit lagi kayong hindi active? This is really important so please call me back as soon as possible. I really wanna talk to you."

***

Nagising ako dahil sa malakas na ring ng alarm clock ko.

Dapat ngayon ay nagmamadali na ako para makapasok na ng school dahil malelate na ako pero wala akong ganang pumasok. This is rare. Ngayon lang nangyaring nawalan ako ng gana sa pagpasok sa school. 

Biglang pumasok si Kuya Brix sa kwarto ko.

"Brianna you have to get ready, okay? Papasok ka, hindi pwedeng hindi. Maghanda ka na kung ayaw mong hilain kita pababa."

Well, looks like I got no choice.

***

Here at school. Nakikinig lang sa teacher ko na madaldal. Gusto ko ng umuwi. Biglang may papel na bumato sa'kin.

'Malandi'

That's what it says. Napabuntong hininga nalang ako. Whatever. Alam ko sa sarili ko na wala akong masamang ginagawa.

*KRIIIIINGGG*

Break time.

Bumili na ako ng makakain at umupo sa usabg table na bakente do'n. Guess I'm gonna have to eat alone. Again

Nagulat ako ng biglang may umupo sa harapan ko. Regina.

"Aww, poor little Brianna. It must've suck having no one for you." She said, nang-aasar pa.

"That's not true. I still have someone." Sagot ko.

"Oh, yeah right. You have what you stole from me. Oh and thanks by the way. Kaninang umaga pinuntahan kami ni Brix. He was so mad he almost hit me. Then, he broke up with Angelica. Thanks for ruining three relationships in our squad." She said sarcastically.

"Three?"

"Yeah. Gretchen's, Angel's, and mine. Gano'n ka kalandi"

"Haha. I didn't ruin your relationship, Regina. You ruined it yourself. Caleb was so in love with you pero binalewala mo. Ngayong nakikita mong masaya na s'ya ng wala ka, papalabasin mo na gusto mo parin s'ya. Just let him be happy, Regina. Tanggapin mo na hindi na ikaw ang kasiyahan n'ya!" Sigaw ko sakanya. Agad naman akong nakakuha ng isang malakas na sampal mula sakanya dahil sa sinabi kong yun.

"Kung hindi ako, sino!? Ikaw!? Ha! Never! Kilala ko si Caleb at alam kong hindi n'ya magugustuhan ang malanding kagaya mo!" Sigaw n'ya. Nakakakuha na kami ng atensyon dito. Masyado kasi s'yang maingay. Tss.

"Hindi nga ba? Don't you remember, Regina? Kahapon, pinapakita mo yung kademonyohan mo sa'kin and Caleb rushed in to save me. How sweet. You know, we had a nice long talk in an abandoned park. And he said you were really mean. I think na hindi malandi ang tingin saakin ni Caleb. In fact, tingin ko ay ikaw ang malandi para sakanya."

At dahil sa sinabi kong 'yan, nakakuha nanaman ako ng malakas na sampal, mas malakas sa nauna. Hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa sakit ng sampal n'ya.

"Ano? Masakit diba? Alam ko namang matino kang kausap, Brynn. Kaya nga pinagkatiwalaan mo agad kami nung sinabi ko sa'yo na kaibigan ang tingin mo sa'min eh. I know you have a soft heart kaya wag ka ng magtapang-tapangan." Napatigil ako sa sinabi n'yang 'yan.

Nagtatapang-tapangan ba ako? I know I have a soft heart, I know that. Am I being too much? Am I not being myself? No. Because this is the new me.

"Thinking about it, Brynn? Kung nasasaktan ka na, kung nahihirapan ka na, I can make you feel better. If you want to get friends again, I can make it happen. You need me, Brianna. You need me and you know it. That's why hindi kita basta-basta pababayaan. I told you already, I'm a very forgiving person. Play it my way at aayos ulit ang trato nila sa'yo. I can make everything you want happen. Just play my way at wag na wag mo ulit akong babanggain." Aniya. Play it her way....

"What do you mean your way?"

"Good. I knew you're thinking about it. Let's call this the R. Brown Game. You give me something that I want and I'll give you everything I want in return. You got me?" Sandali akong nag-isip dahil sa sinabi n'ya..

"Okay. What is it that you want?"

"I want you to be part of R Squad again. Wag na wag ka nang dumikit kay Caleb ulit at pabayaan mo s'yang marealize na ako parin ang gusto n'ya. Just leave him alone and stop thinking about him. Then, ilakad mo si Angelica kay Brix. Lastly, wag na wag ka ng didikit kay Axl. Ipakita mo sakanya na ayaw mo na sakanya. He is Gretchen's property. Are we clear?"

Wala akong masabi. Hindi ko alam kung gagawin ko ba ang mga yan o hindi. But.. But if I do.. If I do, I will have my friends back and people will treat me nicer. Maganda na ang tingin nila saakin. Regina's right. I need her. That's why I'll use her.

Tumango ako. It's a deal then.

"Good. I figured you'll see it my way."

Just wait for it, Regina. Wait for it.




End of Chapter IX...

Heartbreak Hotline [ON GOING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt