Chapter XLIV - I'm back, love

Magsimula sa umpisa
                                    

"Namiss din kita, Brianna. S-Sorry sa lahat. Sorry kung iniwan kita. Gusto ko lang malaman mo na kahit--"





"Shh, Caleb, stop." Aniya at nilagay ang kanyang index finger sa tapat ng labi n'ya. "You're my brother at naiintindihan ko naman na kailangan mong pumunta ng US para doon magcollege. I understand."




Hindi ako nakapagsalita. Papanindigan n'ya talaga na kuya n'ya ako? "Brianna.. Ano kasi... May mali kasi. Dati nung nag--"




"Caleb don't." Seryosong sambit n'ya kaya napatahimi na ako. "What happened in the past.. I already buried it. It was forgotten. Kinalimutan mo na rin naman 'yon diba? Alam kong kinalimutan mo na. Let's just forgive and forget. Past is past. Wag natin hayaang masira ang relasyon nating magkapatid dahil sa nakaraang 'yon. Masaya akong nakabalik ka na, Caleb, I really am. But to be honest, masaya ako nung nag... Alam mo na. Nung nagkahiwalay tayo. Because that means we can start treating each other like how brothers and sisters treat each other. I really hope we an continue our good relationship. As siblings. Magkapatid tayo at dapat lagi tayong masaya at nagtutulungan. Kalimutan na natin ang lahat, Caleb Vandom." Aniya at pumasok na sa loob habang naiwan naman akong nakatayo.






Caleb Vandom...






Iisa lang kami ng tatay. I guess that makes me a Vandom, too? Gano'n ba 'yon? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung si Caleb Scott pa ba ako o si Caleb Vandom na.







Brianna's POV







"I don't know. I don't know, Regina. He's back and I don't know what to do." Yan ang sinabi ko kay Regina. Hindi ko talaga alam. Naguguluhan ako. Tama ba yung mga sinabi ko sakanya kanina? God, halos pinagtabuyan ko na s'ya!







"It's alright, Brynn! Act cool. Treat him like a brother. I mean, he is your brother after all. Wag kang magpapakita ng sign na naiilang ka sakanya. Nakamove-on ka na naman diba? Palabasin mo sakanya na hanggang ngayon baliw na baliw ka parin kay Travis. He is your brother. Hindi porket bumalik s'ya eh babalik na s'ya sayo. He probably just misses his mom or maybe gusto lang n'yang ayusin ang pamilya n'ya sa side n'yo. Maraming posibleng dahilan ang pagbalik n'ya and I'm sure as hell na hindi kasama do'n ang pakikipagbalikan sayo."








She's right. Tama lang ang ginawa ko. Kailangan kong ipagpatuloy ang gano'ng gawi. Kailangan cool lang ako. Nakamove-on na ako. Kailangan n'yang makita na nakalimot na ako at kuya lang ang tingin ko sakanya.






--






"Brianna, finally your home." Salubong sa'kin ni mommy. "So... Caleb is here."







Nanlaki ang mga mata ko, "What!?!?"







"Well, he talked to me. Sabi n'ya ay wala s'yang balak na guluhin ka ulit. Gusto lang n'yang makipag-ayos sa pamilya natin at ipaalam sa akin na nakalimutan na n'ya ang lahat ng iyon at kung makasama ka man n'ya, itatrato ka n'ya gaya ng pagtrato n'ya kay Riley."






"Oh, great." I said and rolled my eyes.







"Well, what's the matter dear? Sabi n'ya ay nakausap ka na n'ya kahapon sa party mo and in fact he said na ikaw daw ang gustong makipag-ayos sakanya as siblings. Sinabi mo rin daw na nakalimot ka na at gusto mong ipagpatuloy ang relasyon n'yong dalawa bilang magkapatid. Totoo bang sinabi mo 'yon?"






"Well, yeah I did. I want to be close with him. I mean... Close naman ako kay Kuya Brix so hindi ko alam kung bakit hindi ako pwedeng makipagclose sakanya eh kuya ko rin naman s'ya." Kibit-balikat kong sagot.






"Well, wala naman akong sinasabing hindi pwede. All I'm saying is, okay lang na maging close kayo. Just don't get too close kagaya nung nakaraan na--"








"I know and I'm sure that Caleb knows that too." I rolled my eyes.







"Okay. He's upstairs at your brother's room."






Tumango ako at umakyat.





Rule 1: Wag babanggit ng mga bagay na maaaring makapagbalik ng memories. Dapat ay kumilos ng nakalimutan na ang lahat.







"Hey," Bati ko.







"Hey." Bati n'ya pabalik.






"So... Dito ka ba matutulog?" Tanong ko. Gabi na rin kasi.






"No. Hinihintay ko lang makauwi si Brix. Just wanna make sure we're cool." He said and laughed.






"Oh I'm sure both of you are cool." I said and smiled. "Anyways, do you want to hang out tomorrow? Mary got back from Cali and she's going back there in a week. Gusto lang n'yang mag-enjoy with her friends."






"Are you gonna be there?" Tanong n'ya.






"Of course I'll be there. That's why I'm inviting you. Axl, Harmony, and Kuya Brix will be there too. I'm actually planning on inviting Regina. You see... Mary, Harmony, and I aren't really buddies anymore." Sambit ko at yumuko. I'm not the same girl anymore...






"Talaga? Still, tingin ko ay hindi tama na isama mo si Regina. Ayaw mo naman sigurong maging awkward yung mga panahong dapat nagsasaya si Mary kasi aalis na s'ya ulit." Aniya.






Nag-isipako sandali. "Thankyou, kuya." I said and smiled.








Lumabas na ako at pumasok sa kwarto ko. Pagkapasok ko doon, sinara ko agad ang pinto ko at sumandal doon.





That was one of the most awkward conversation I ever had. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at gulong-gulp talaga ako. Ayoko. Hangga't maaari ay gusto ko s'yang iwasan dahil nahihiya talaga ako. I know I'm supposed to act cool but how? It was so hard! Lalo na kung tuwing nakikita ko s'ya ay naluluha na naman ako...
















End of Chapter XLIV...


















--






6 chapters left. :(

Heartbreak Hotline [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon