Then suddenly naging malikot ang mga kamay ni Vera.

Hinaplus siya nito sa dibdib, pababa sa puson... hanggang sa makarating ang mga kamay nito sa kanyang shorts.

Ipinasok ni Vera ang kamay sa loob.

"V-vera, huwag." Inalis niya ang kamay nito. "Baka mahuli tayo ni Francine."

"O, e ano naman ngayon?"

"Mapapahamak tayo sa ginagawa mo."

"Bakit ka ba natatakot? Hindi ba't wala na naman siyang halaga sa 'yo?"

"She's my wife," diin ni Miggy.

"Oo, she's your wife. Asawa mong walang ginawa kundi pagtaksilan ka. Huwag mong sabihin na nagbubulag-bulagan ka pa sa mga nakikita mo ngayon?" sabay turo nito kay Francine.

"Vera..."

"Kahit na mahuli pa niya tayong nagsi-sex, wala siyang karapatan para magalit sa'yo. Siya ang unang nagtaksil, Miggy. Siya ang dapat na matakot sa 'yo dahil ikaw ang sumusustento sa mga pangangailangan niya. Baka nakakalimutan mo, lahat ng nandito simula sa bahay, pagkain at mga damit na isinusuot niya ay pag-aari mo. Kung tutuusin, kayang-kaya mo na nga siyang palayasin dito anytime, e. Pero hindi mo magawa... hindi mo magawa dahil umaasa ka pa rin na maaayos ang relasyon nyo na sinira niya."

Then, she cupped his face at tinitigan ito nang diretso.

"Gumising ka sa katotohanan, Miggy. Hindi ka na mahal ni Francine. Kahit ano pa ang gawin mo, hindi mo na maibabalik ng buo ang tiwala sa kanya. Kung may tao man na dapat mong paglaanan ng pagmamahal, ako iyon. Ako iyong taong hindi ka lolokohin. Maibibigay ko sa 'yo ang lahat ng pagkukulang ng asawa mo at hihigitan ko pa iyon."

Ngunit parang lumabas lang sa kabilang tenga ni Miggy ang mga sinabi niya. Kahit ano pa ang kasinungalingan na sabihin niya, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman nito para sa asawa.

Mahal pa rin ni Miggy si Francine, kahit na nasasaktan.

Kaya naman gumawa siya ng paraan para pansamantalang makalimutan nito si Francine.

Bigla niyang ipinasok muli sa loob ng short nito ang kamay.

"Vera, ano ba?" Aalisin na naman sana ni Miggy ang kamay, pero hindi na sya pumayag.

"Shhh... huwag kang maingay."

"Huwag... Tama na, Vera."

"E, kung ayoko?"

Bigla nitong hinawakan ang pagkalalaki niya.

Napapikit nalang si Miggy nang makaramdam siya ng kaginhawaan. "Gusto mo ba 'to, ah?"

"V-vera, please..."

Then, bumulong siya sa tenga nito. Naramdaman ni Miggy ang mainit na hininga ni Vera na nagbigay ng kiliti sa kanya.

"I'm all yours, Miggy. Tutulungan kitang burahin ang lahat ng sakit sa puso mo. Hayaan mong sambahin kita."

At lumuhod na nga si Vera sa harapan niya.

Ibinaba nito ang kanyang shorts at doon na sinimulang angkinin ang kahinaan niya.

Kabadong-kabado si Miggy na baka mahuli sila ni Francine. Ngunit wala siyang magawa kundi magpaubaya kay Vera. Para siyang naging tuod na hindi makaalis sa kinatatayuan.

Nilamon na siya ng init sa katawan.

Naging sunud-sunuran na naman siya sa kamunduhan ni Vera.

---

Kinabukasan, maagang nagpaalam si Francine sa asawa niya para sa kanyang trabaho.

"O, babe. Maiwan ko na kayo ni Bessy rito, ah? Baka bukas na ako makauwi dahil siguradong gagabihin kami ng team."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon