Chapter 17

8.5K 58 9
                                    

"Sigurado ka ba talaga na hindi ka na magpapahatid, Francine?" seryosong tanong ni Raymart nang ihatid nila ito ni Cecile sa may gate

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sigurado ka ba talaga na hindi ka na magpapahatid, Francine?" seryosong tanong ni Raymart nang ihatid nila ito ni Cecile sa may gate.

Alas otso na ng umaga at tumila na ang malakas na ulan. Kagaya nga nang sinabi ni Francine kinagabihan, babalik na siya sa asawa.

"Puwede naman kitang ihatid ng sasakyan kahit hanggang sa tapat lang ng inyong subdivision."

"Siya nga naman, Francine," pagsang-ayon ni Cecile. "Puwede ka naming tulungan ni Raymart na mag-explain sa asawa mo."

"Naku, huwag na. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Ayoko naman na maabala pa kayo sa mga gagawin nyo today. 'Tsaka dadaan pa kasi ako sa palengke. Kagaya nga nang sinabi ni Raymart kagabi, bumawi raw ako kay Miggy. Ipagluto siya ng masarap na pagkain.

"Sure ka?" Muling tanong ni Raymart at tumango naman si Francine. "O, sya. Ano pa nga bang magagawa ko?"

Pagkuwa'y pinara na ni Raymart ang dumaang tricycle sa kanilang harapan. Nagyakapan naman sina Cecile at Francine bago magpaalam.

"Maraming salamat sa inyo, Ate Cecile."

"Wala 'yon. Basta't kapag may kailangan ka o kung gusto mo ng makakausap, bumisita ka lang dito. Welcome na welcome ka rito anytime." Siniko niya ang kapatid na abala sa pagti-text. "Hindi ba, Raymart?"

"Oo naman, anytime." Sagot ni Raymart. Then, sumakay na si Francine sa tricycle at nagpaalam. "Ingat ka, Francine!"

---

Alas dyis na ng umaga nang magising si Vera.

Nang imulat niya ang mga mata'y nakita niyang nakayakap pala siya kay Miggy. Hubo't hubad ito na tanging puting kumot lamang ang tumatakip sa katawan.

Para siyang nasa isang panaginip na ayaw niya nang magising.

Nakaramdam siya ng saya.

May namuo kaagad na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi niya akalain na sa loob ng napakahabang panahon ay makukuha niya si Miggy. Kusa itong nahulog sa kanyang patibong.

"Hinding-hindi na kita pakakawalan pa, Miggy," pabulong niyang pagkakasabi habang gumagapang ang kanyang daliri sa dibdib nito. "Konting-konti na lang at makukuha na kita ng buong-buo."

Makalipas ang ilang sandali ay nagising si Miggy.

Nang imulat niya ang mga mata'y nakita niya si Vera na nakapulupot ng yakap sa kanya. Nakangiti ito at nagawa pang halikan siya sa pisngi nang makita siyang nagising.

"Goodmorning, Miggy ko," bati nito.

Ngunit imbis na magulat ay tinignan niya lang ito. Umikot ang mga mata niya sa mukha ni Vera na wala man lang isang salita na nasabi. Kalmado lamang siya at para bang okay lang ang lahat.

"Na-enjoy ko iyong ginawa natin kagabi. Hindi ko akalain na napaka-wild mo pala," mapang-akit nitong sabi.

But he remained speechless.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon