"Hindi ako lasing!"

"Basta! Sa ayaw at sa gusto mo ay babalik na tayo sa loob!"

"Ayoko nga sabi!"

"Nasisiraan ka na ba ng ulo!?"

"Kung sabihin ko bang oo, may magagawa ka ba!?"

At itinulak siya ni Vera. Nabitawan tuloy niya ang payong at pareho na silang naligo sa ulan.

"Pagud na pagod na ako, Miggy! Ilang beses ko nang pinilit na kalimutan ang mga masasamang ginawa ni Greg, pero hindi ko magawa. Ang sakit-sakit pa rin dito sa dibdib!"

Napasandal ito sa poste at doon ay umiyak nang umiyak.

"Ano ba'ng gagawin ko? Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng maayos na buhay, pero bakit ba ako nagdurusa ng ganito?!"

Nakaramdam ng awa si Miggy.

Gusto niyang pagaanin ang loob nito, pero hindi niya alam kung paano iyon gagawin. Naisip niya na kung gising lang sana si Francine, malamang ay naging maayos na ito.

Kaya naman wala na siyang nagawa kundi pulutin ang payong at pasukubin nalang ito muli.

Then, he lend his chest para iyakan nito.

Hindi naman nagdalawang-isip si Vera at niyakap kaagad siya nito.

"Tahan na," hinaplus-haplos niya ito sa likuran. "Alam kong mahirap sa ngayon, pero darating ang araw na magiging maayos din ang lahat. Ikaw na rin ang nagsabi noon na patutunayan mo kay Greg na hindi mo na siya kailangan. Gawin mo iyon, Vera."

Humigpit ang pagkakayakap ni Vera.

Unti-unting gumaan ang pakiramdam niya habang naririnig ang pintig ng puso ni Miggy. Nagbigay din ito ng init sa kanyang nilalamig na katawan.

"Tatagan mo lang ang sarili mo. Huwag mong hayaan na balutin ka ng lungkot dahil mas lalo kang masasaktan. Nandito lang naman kami ni Francine at hinding-hindi ka namin pababayaan."

---

Makalipas ang ilang sandali ay pumayag na si Vera na pumasok ng bahay. Pinaupo muna siya ni Miggy sa kusina at nagpunta sa kuwarto.

Pagkabalik ay inabutan niya ito ng tuwalya.

"Salamat," sabi ni Vera.

Kumuha ng upuan si Miggy at tinabihan ito. "Huwag mo nang uulitin iyon, ah.. Pinag-alala mo talaga ako kanina."

"Pasensya ka na."

"Don't worry, hindi ko na ipapaalam kay Francine ang nangyari. Sigurado akong mas mag-aalala iyon kapag sinabi ko pa." Then, tumayo siya at kumuha ng mga tasa. "Natanggal ang antok ko sa 'yo, Vera. Gusto mo bang mag-coffee? How about tea?"

"Ikaw ang gusto ko," mahinang sagot nito.

"Ha?" Narinig iyon ni Miggy, pero inisip na lang niya na baka nagkamali lang siya nang narinig. "May black coffee at 3-in-1 dito. Kung tea naman ang gusto mo, may matcha flavor dito."

"Hindi mo ba ako narinig?" Dahan-dahan itong tumingin sa kanya at tumayo. "Ikaw ang gusto ko, Miggy."

Bigla na lang niyang nabitawan ang mga tasa at nabasag iyon sa sahig.

"O, sh*t!" sambit niya. Dali-dali siyang kumuha ng walis at dustpan para linisin iyon. "Pasensya ka na. Hindi ko sinasadyang mabitawan itong---"

"Hindi ko kailangan ng kape o tsaa, Miggy," bigla sagot ni Vera. Hinawakan siya nito sa kamay at inalis ang hawak niyang walis at dustpan. "Gusto mo bang ulitin ko ang sinabi ko kanina? Ikaw ang---"

"Vera, hindi magandang biro yan."

"Bakit? Mukha ba akong nagbibiro?"

Humakbang ito nang mas malapit sa kanya. Tinitigan siya nito sa mga mata at unti-unting bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Matagal na kitang gusto, Miggy. Hindi pa man kayo magkakilala ni Francine ay may nararamdaman na ako para sa 'yo. Ngayon ko lang nasabi ito sa 'yo... dahil hindi ko na kaya pang itago sa 'yo ang katotohanan."

Then, she started being emotional.

Lumungkot ang mga mata nito at naramdaman ni Miggy na may kirot sa bawat salitang binibigkas nito.

"O-oo nga pala!" nautal na sambit ni Miggy habang umaatras. "N-nasabi na sa 'kin 'yan ni Francine noong isang araw nang tanungin ka niya kung nagkagusto ka na raw ba sa 'kin. Matagal na naman iyon, hindi ba?"

Humakbang ulit si Vera papalapit sa kanya. "Kahit kailan ay hindi nawala ang pagtingin ko sa 'yo, Miggy. Dumaan na ang maraming panahon, pero nandito ka pa rin sa puso ko."

"Ah, eh..." Napakamot siya sa batok.

Naisip niya na baka wala pa sa tamang katinuan si Vera kaya kung anu-ano ang pinagsasasabi nito. Umisip na lang siya ng paraan kung paano makakaiwas dito.

"S-siguro ay mauuna na ako sa 'yong matulog, Vera. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng antok."

Pero nang iiwan na niya ito ay bigla siya nitong pinigilan sa braso at isinandal sa pader.

"Puwede bang... hiramin muna kita sa asawa mo kahit ngayong gabi lang?" nangingilid ang luha na tanong ni Vera.

"Vera, you're drunk. Hindi mo na alam ang mga sinasabi mo."

"Hindi marunong magsinungaling ang puso, Miggy," diin ni Vera at binitawan niya si Miggy. "Ang lahat ng mga sinasabi ko ngayon ay idinidikta ng puso ko... na ikaw ang kailangan ko at ikaw ang gusto ko!"

At tumulo na nga ang luha sa mga mata nito.

"Kahit sandali lang... tulungan mo akong makalimutan ang mga problema ko." Hinawakan niya si Miggy sa magkabilang pisngi. "Kahit ngayon lang ay maging akin ka, Miggy."

At bigla na lamang siya nitong hinalikan sa labi.

Parang tuod na nanigas ang kanyang mga paa at hindi nakagalaw. Hindi niya inexpect na gagawin iyon ni Vera at malaking problema iyon kapag nahuli sila ni Francine.

Pero unti-unti siyang nadala sa mga halik nito.

Ibang-iba iyon sa mga halik ni Francine.

May sensasyon siyang naramdaman na nagbigay ng init at muling gumising sa kanyang pagkalalaki. Init na higit pa sa nararamdaman niya kapag natutukso sa asawa. Init na bumubulong sa kanya na subukan ang makasalanang langit patungo kay Vera.

Unti-unti na siyang bumibigay sa sarap.

But suddenly, natigilan siya.

Hinawakan niya sa magkabilang-balikat si Vera at itinulak palayo sa kanya. "H-Hindi tama ito, Vera." Nakaramdam siya ng pagkakonsyensya. "May asawa na ako at mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang gumawa ng kasalanan sa kanya."

"P-Pero Miggy..."

"Makakaya kitang tulungan sa mga problema mo, pero hindi sa ganitong paraan. I don't want to lose you as a friend, Vera. I respect you so much. Magiging malaking panghihinayang kung uumpisahan nating sirain ang matagal na nating magandang samahan nang dahil lang dito."

"Miggy, please..."

"If you'll excuse me, kailangan ko nang magpahinga."

"Miggy?" Iniwan siya nito at pumasok na sa kuwarto. "Miggy, bumalik ka rito! Miggy!" Sinubukan pa niyang sundan ito, pero pinagsarahan lamang siya ng pinto.

Galit na naikuyom niya ang mga kamay habang pumapatak ang kanyang mga luha.

Ako ang tunay na nagmamayari sa 'yo, Miggy. Sisiguraduhin ko na mahuhulog ka rin sa mga kamay ko at hinding-hindi kita pakakawalan.


*****

Sinful Heaven [Completed]Where stories live. Discover now