Chapter 9

5.6K 56 0
                                    

Alas dos na ng madaling nang maisipan ni Miggy na tapusin na ang kasiyahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alas dos na ng madaling nang maisipan ni Miggy na tapusin na ang kasiyahan. Malakas na kasi ang tama nina Francine at Vera sa alcohol at kapwa nakatulog na ang mga ito sa sofa.

Siya na lamang ang hindi pa lasing dahil sanay na siyang uminom.

"Babe, ihahatid na kita sa kuwarto, ah," sabi niya. Isinukbit niya ang kamay nito sa kanyang leeg at saka kinarga. "Kung bakit ba naman kasi uminom ka ng marami, e hindi ka naman sanay sa inuman." Then, inihatid nya na ito sa kuwarto at inihiga sa kama.

Pagkabalik ay nagsimula na siyang maglinis ng mga kalat sa living area.

Nang mapatingin siya kay Vera ay bigla siyang natawa. Nasa kasarapan na kasi ito ng pagtulog sa sofa at humihilik pa.

"Talagang mag-best friend nga kayo," nakangiti niyang pagkakasabi.

Pagkalinis ay dinala na niya ang mga baso, pinggan at kubyertos para hugasan sa kusina. Bumuhos naman ang malakas na ulan sa labas at nakarinig siya ng malalakas na pagkidlat.

"Kung kailan ba naman napakalamig na ay saka pa uulan. Wrong timing ka naman, haring ulan," pailing-iling niyang sabi.

Then, bigla siyang natigilan.

Naalala niya na nakabukas nga pala ang mga bintana sa living area at baka nalalamigan na si Vera roon. Kailangan na rin niyang buhatin ito at ilipat sa kuwarto.

Kaya naman pinuntahan na niya ito.

Pero pagkarating niya ay wala na si Vera roon.

"O, nasaan na iyon?" Nagtaka siya. Katapat lamang ng kusina ang kuwartong tinutulugan ni Vera. Napaka-imposible naman na hindi niya ito nakita na dumaan doon.

Pupuntahan na sana niya sa kuwarto para silipin ito nang makarinig siya ng mga sigaw sa labas. Doon lang niya napansin na nakabukas pala ang front door sa living area.

Dali-dali siyang lumabas.

Nang makarating sa terasa ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang naliligo sa ulan si Vera at nagsisisigaw.

"Ano bang nagawa kong kasalanan para magkaganito ang buhay kooo!?" sigaw nito habang umiiyak.

"Vera!"

"Buwisit na buhay ito!"

Patakbong bumalik si Miggy sa bahay para kumuha ng payong. Pagkatapos ay nilapitan niya kaagad ito at pinasukob.

"Vera, ano ba!?" Hinila niya ito sa braso. "Ano bang ginagawa mo rito? Magkakasakit ka sa ginagawa mo!"

"Bitawan mo nga 'ko!" Inalis niya ang kamay nito. "Wala kang pakialam kung magkasakit ako dahil buhay ko 'to!"

"Ano bang nangyayari sayo!?"

"Leave me alone!"

"Hindi puwede!" Hinawakan niya itong muli sa braso. "Lasing ka na, Vera. Bumalik na tayo sa loob ng bahay para makapagpahinga ka na."

Sinful Heaven [Completed]Where stories live. Discover now